⚠️👀
"Galit ka ba?" mahina kong kay Felip habang nandito kami sa kwarto niya.
Pansin kong hindi siya tumitingin sa akin kaya naman umusog ako ng upo rito sa harap niya. Pagdating niya kasi rito ay binuksan niya agad PC niya kaya eto ako ngayon, naupo ako sa lamesa niya at hinarangan ko na ang kalahati no'n kaya napaangat siya ng tingin sa akin.
"Have you done something to make me mad?" he asked.
Agad naman akong umiling. "Wala." sabi ko. "Mali naman kasi yung kwento ng Ainna na 'yon eh. Hindi ko siya sinasadyang tinapunan nang kape. Aksidente 'yon, Felip. Siya yung nagmamadali at siya yung nakabangga sa akin. Kahit tanungin mo pa si Jade dahil siya yung kasama ko kanina." pagpapaliwanag ko sakaniya.
"No, that's enough explanation, Ky. Alam ko namang hindi mo magagawa 'yon." sabi niya.
"Pero bakit parang galit ka kanina?" I asked and my voice became softer effortless.
"Hindi ako galit, 'ga." sabi niya. "Dito ka nga maupo," tinapik niya ang kandungan niya kaya agad naman akong sumunod. He wrapped his arms around my waist while caressing it. "Stay here, dito ka nalang maupo." sabi niya sa akin.
Tumango nalang ako.
"May gagawin ka ba? May gagawin ba tayo?" tanong ko.
"Hmm," tila nag-isip siya sandali bago tumingin ulit sa akin. "May gusto ka bang gawin?" mahina niyang tanong.
Tumitig ako sakaniya at nag-isip.
May gusto ba akong gawin? Parang wala naman.
Umiling nalang ako sakaniya bilang sagot.
"Ako, 'ga, meron," sabi niya habang humahaplos sa beywang ko at sa binti ko.
Alam ko naman kung anong pinapahiwatig niya kaya nagsalita na ako.
"Doon tayo sa kama." sabi ko.
Felip smiled and without saying a word ay binuhat niya ako at pinahiga ako sa kama niya. Umibabaw siya sakin. He held my cheeks and stared at me.
Wala rin sa sarili akong tumitig sakaniya. My heart always beat fast everytime we're this close to each other. Palagi akong nakakaramdam ng pananabik sakaniya tuwing ganito kami.
I gulped as he slowly lean his face more closer to me. Napapikit nalang ako ng mga mata ko nang kaunti nalang ay magtatama na ang labi namin. Ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga. I know our lips would touch already pero agad kong naimulat ang mga mata ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko.
"Ga, alis muna diyan." mahina kong saad kay Felip.
His brows were furrowed now. He tsked and removed himself on top of me. Naupo siya sa dulo ng kama niya at siya na ang kumuha ng cellphone ko na naroon sa lamesa niya.
Bumangon naman kaagad ako at pumwesto sa likuran niya. Agad kong kinuha sakaniya ang cellphone nang makita kong si Ronnie ang tumatawag.
"Hello, Ron." agad ko 'yong sinagot.
"Uh, Kylie. Sorry, ngayon nalang ulit ako nakatawag. Nahirapan kasi akong pakiusapan yung pinsan ko about doon sa trabaho eh. Pasensya talaga. Pero ngayon nakausap ko na. Gusto mo na bang pumunta agad sakaniya bukas?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil doon.
Hindi nga pala niya alam na may trabaho na ako. Hindi ko rin naman na kasi siya nakakausap dahil abala na ako rito.
"Ah, Ron, salamat," sabi ko. "Pero may trabaho na kasi ako eh. Sorry, di ko agad nasabi sa'yo," paghingi ko sakaniya ng paumanhin. "Pasensya na, pakisabi nalang din sa pinsan mo na sorry." sabi ko pa.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...