CHAPTER 47

878 22 19
                                    

⚠️🔞

"Oh sige, maligo ka na pagbalik niyo sa kwarto ah. 'Wag kang lalayo kay Tita. Sabihin mo babalik din kami before dinner para sabay-sabay pa rin tayong makakain." sabi ni Kylie kay Julie.

Tanging tango lang ang sinagot ng kapatid niya sa kaniya at agad na itong sumunod kay Tita na pabalik na sa hotel.

Kanina kasi paglabas namin dito ni Kylie para panoorin ang sunset ay sumama si Julie. Marami namang naliligo kanina kaya ayon, napagpasyahan niyang lumangoy-langoy na.

"Julie will be entering high school in a few months pag-open ng bagong school year. Yet sometimes you still treat her like she's still seven years old." napalingon sa akin si Kylie nang magsalita ako. "But just to be clear, 'ga, wala akong problema doon, ah." paglilinaw ko sa kaniya dahil baka iba ang maging interpretation niya sa sinabi ko.

Nagsimula na rin kaming maglakad-lakad nang dahan-dahan dito sa buhanginan. Medyo marami pang tao rito dahil medyo maaga pa at katulad namin, pinanood din nila yung paglubog ng araw kanina.

"So, ba't bigla mo naman 'yon napuna?" aniya.

"Wala," I shrugged and smiled a little.

Napatingin naman siya sa akin na kasabay niya lang maglakad. Tinignan niya ako na para bang nakuha ko ang atensiyon niya out of all the people na nasa sa paligid namin.

Nakapamulsa ako at nakalagay sa magkabilang bulsa ng shorts ko ang kamay ko. Nakasuot lang din ako ngayon ng simpleng gray t-shirt na may print dahil pinapalitan niya yung suot kong hoodie kanina.

Natahimik kami saglit kaya pinagpatuloy ko nalang yung sasabihin ko.

"I just really admire you the way how you stood as her mother figure. Alam kong hindi ito ang unang beses na pinag-usapan natin 'to pero hindi ko lang talaga mapigilan na i-open up dahil kahanga-hanga ka talaga." pagpapatuloy ko.

Hindi nga ito ang unang pagkakataon na pinag-uusapan namin yung tungkol sa pagiging ina niya sa kapatid niya at hindi rin ako magsasawang sabihin sa kaniya na sobrang kahanga-hanga siya.

Imagine the responsibilities she carried the past years? Kung paano niya nakaya lahat, kahanga-hanga na 'yon.

"Salamat..." aniya at tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako.

Nakatayo kami ngayon at magkaharap. I stared at her and suddenly, parang biglang nawala yung mga tao na nasa paligid namin. Sa isip ko ay kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

Sa pagtitig ko sa kaniya ay nakita ko sa mga mata niya na para bang may gusto siyang sabihin pa sa akin kaya hindi na muna ako nagsalita. I'll give her the time to speak.

Maya-maya ay bumuntong hininga siya at seryosong tumingin pabalik sa akin.

"Felip, salamat sa lahat ng papuri na binigay mo sakin sa pagtayo ko bilang Nanay ng kapatid ko... I know you see me being a good mother. Pero may gusto sana akong sabi—T-Teka, yung bata..."

Agad kumunot ang mga mata ko nang bahagya niya akong patabihin at lumapit sa nakita kong bata na nasa may likod at gilid ko lang. Oh, di ko siya napansin kanina.

Nilapitan ni Kylie ang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad anim na taong gulang pa lang. Medyo chubby yung bata pero cute. Bigla akong naawa nang mapansin kong lumuluha siya at mahinang humihikbi habang lumilinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap.

"Hello, ba't ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Kylie sa bata. Bahagya pa siyang umupo para pumantay sa height ng bata. Hinawakan niya ang magkabilang braso nito dahilan para mapatingin iyon sa kaniya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon