CHAPTER 31

863 25 7
                                    

Stressed akong naglalakad pabalik sa loob ng studio ng SB19. Nasaan na ba kasi si Felip? Kanina pagkatapos naming kumain ng pinadeliver niyang meryenda ay bigla nalang siyang nawala. Umalis siya nang hindi nagpapaalam sakin!

"Nandito na ba si Ken?" tanong ko kay Stell dahil siya ang naabutan ko na nasa loob ng studio.

"Ky, relax. Hindi mawawala ang boyfriend mo." Stell said and chuckled.

"Relax? Paanong—" napatigil ako nang may mapagtanto ako sa sinabi niya. Nagsalubong ang kilay ko sakaniya, napalunok din ako. "A-Anong boyfriend ko sinasabi mo diyan?" saad ko.

Mahina siyang tumawa bago napailing.

"Sus, kunwari ka pa. Alam ko namang kayo na ni Ken eh. Kayo na ulit." sabi niya.

Nakatingin lang ako sakaniya.

Paano niya iyon nalaman? Wala namang may alam ng relasyon namin ni Felip dahil hindi pa rin naman namin sinasabi sakanila ang tungkol sa amin.

"P-Paano mo nalaman?" tanong ko kay Stell.

"Sinabi ni Ken," he said casually. "Sa akin kaya madalas magkwento 'yon. Nakwento na niya sa akin yung tungkol sa inyong dalawa." sabi niya pa.

"Okay lang ba?" mahina kong tanong. "I mean, ako, okay ba ako para sa kaniya?" pagtatanong ko.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" agad niyang sambit. "The way na asikasuhin mo si Ken, halata namang may halong pagmamahal yung mga kilos mo." sabi niya at mahina ulit na natawa.

"Pati ba sa iba niyong kagrupo, sinabi na niya?" tanong ko ulit sa kaniya.

This time ay umiling na siya. "Hindi pa. But don't worry, sasabihin din ni Ken yung tungkol sainyo. He won't hide it for too long." he told me.

Napatango nalang ako at maliit na ngumiti sa kaniya.

Mabuti nalang at kami lang ang nandito ngayon. Actually, nandito si Pablo kanina pero mukhang umalis na siya o lumabas lang saglit at babalik din. Si Josh, alam kong umalis na iyon kanina pa. Si Justin, umalis din kanina kasama si Elle. Si Felip lang talaga ang hindi ko alam kung nasaan.

I get my phone and dialed his number again. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Hindi ko alam kung magagalit na ba ako o mag-aalala dahil hindi ko alam kung nasaan siya. Tinawagan ko na rin nga si Julie sa condo para itanong kung umuwi o dumaan ba roon ang kuya Felip niya pero hindi naman daw.

"Hindi pa rin niya sinasagot!" frustrated kong saad nang tawagan ko ulit siya pero di pa rin niya sinagot.

Stell laughed. "Pagpasensyahan mo na 'yang boyfriend mo, Kylie. Pero papayag ka no'n? Umalis siya tapos di nagpaalam sa'yo. Nako, kung ako nasa posisyon mo di ko papansinin jowa ko." pagbibiro niya.

Umiling nalang ako.

Pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Iniluwa no'n si Josh.

Oh, bumalik siya. May naiwan ata. Pumasok siya ng studio nang may maliit na ngiti sa labi.

Akala ko ay siya lang mag-isa pero maya-maya ay sumunod ding pumasok ang taong kanina ko pang hinihintay at hinahanap. Agad akong lumapit kay Felip nang makita ko siya.

"Saan ka galing?! Ba't umalis ka na naman nang hindi nagpapaalam?!"

Hindi ko na napansin ang tono ng boses ko at mukhang napataas iyon. Hindi ko mapigilan eh.

Felip innocently and calmly looked at me.

Tangina, kalma pa siya ngayon na alam niyang hindi niya ipinagpaalam ang sarili niya sa akin kung saan siya pupunta?!

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon