CHAPTER 39

710 19 0
                                    

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Tita rito sa sala. May hawak siyang isang papel tsaka ballpen, pati na yung cellphone niya.

"Tita, ba't hindi pa po kayo natutulog?"

Napatingin sa akin siya sa akin nang marinig niya ako.

"Ah, kakatapos ko lang ilista yung mga ipamimili ko bukas. Nakalimutan ko kasi kanina, ngayon ko lang naalala." sabi niya tsaka ngumiti sa akin. "Ikaw, ba't gising ka pa? Yung kapatid mo, tulog na ba?" tanong niya naman sa akin.

"Opo, tulog na si Julie." sagot ko tsaka naupo sa sofa na malapit sa kaniya. "Di po ako makatulog eh." sabi ko.

"Namamahay ka ata." sabi ni Tita tsaka mahinang tumawa. "Kagabi ba ganito rin?" tanong niya ulit.

Pangalawang gabi ko na kasi rito. Ngayon lang kasi ako nakitulog dito sa bahay niya kahit na madalas ay pumupunta kami rito.

"Opo," sagot ko.

"Teka, namamahay ka ba o may pinoproblema ka?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Tita. Hindi ko inaasahang iyon ang itatanong niya.

"Wala po 'to..." mahina kong saad. Umiwas din ako ng tingin at nanahimik.

Maya-maya ay naramdaman kong hinawakan ako ni Tita sa braso kaya napatingin ako sa kaniya.

"Pwede kang magkwento sakin. Ano bang problema? Baka matulungan kita." sambit niya.

Natigilan ako't napatitig sandali kay Tita. Nagulat ako sa biglang tinuran niya. Hindi ako sanay na may ibang taong nagpapakita ng concern sa akin...

"Kylie,"

Nabalik ako sa ulirat nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Ah, sorry po." sabi ko at tumawa nang mahina. "May inaalala lang po. Di naman po malaking problema 'to." sabi ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagsalita ulit. "Tita, diba dapat hindi po tayo nagpaapekto sa sinasabi ng iba?" I suddenly asked.

"Oo," mabilis niyang sagot. "Wag dapat tayo magpapaapekto lalo na kung yung sinasabi nila ay hindi naman totoo at hindi makakatulong sa'yo." sabi niya sa akin.

Tama... Tama yung sinabi ni Tita...

"P-Pero hindi ko po mapigilan na hindi maapektuhan lalo na't may nadamay pa." mahina kong saad pero sapat lang para marinig at maintindihan ni Tita.

"Bakit? Anong nangyari ba?" nag-aalala na niya ngayong tanong.

Nag-isip ako sandali. Alam ko ngayon na magkukwento ako kay Tita, para akong batang nagsusumbong lang sa magulang. Pero hindi ko kayang kimkimin lang na naman 'to. Gusto ko siyang ilabas.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magkwento.

"Noon, simple lang naman kami ni Felip nung nasa probinsiya pa kami. Bata-bata pa kami noon pero alam ko at sigurado akong minamahal namin ang isa't isa. Noon, wala akong kaagaw sa kaniya. Wala akong inaalala na baka may taong sumira sa aming dalawa kasi hindi malapit-lapitan ng mga babae noon si Felip kasi ang lamig niya kung titignan, nakakaintimidate 'yon sa babae. Pero, Tita, ngayon, nagbago eh..." napahinto ako sa pagkukwento habang inaalala ang mga nangyari nitong nakaraang mga buwan, linggo, at araw. "Mas marami nang nakapaligid sa kaniya, oo naiintindihan ko iyon. Pero meron talagang isang tao na alam naman niyang meron nang karelasyon si Felip pero pinipilit niya pa rin yung sarili niya. Ganon niya kagusto si Felip, Tita, na sinisiraan na niya ako. Hindi ko lang mapigilan na hindi masaktan at maapektuhan kasi sinabi niya pa iyon sa harap ni Felip at ni Julie."

Natigil ako sa pagsasalita nang mamalayan kong umiiyak na pala ako.

Pakiramdam ko ang hina ko ngayon kasi wala akong magawa.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon