CHAPTER 21

744 24 3
                                    

Kinagabihan, pag-uwi namin sa condo ni Felip ay walang nagsasalita sa aming tatlo. May mga ginawa rin kasi sila kanina sa studio nila kaya naiintindihan kong pagod siya ngayon.

Doon na rin kami sa studio nila kumain ng dinner dahil nagpadeliver yung kasama niya, yung isang kagrupo niya. Nakilala ko na rin lahat ng mga kagrupo niya. Mababait naman sila, as expected.

Pinauna ko na si Julie sa kwarto para makapaghilamos na siya dahil galing kami sa labas, para rin makapagpahinga na siya kaagad. Habang ako naman ay inayos muna yung mga pinamili namin kanina at nilagay ang mga iyon sa kung saan dapat nakalagay.

I suddenly get a glass of water dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw. Habang umiinom ay naramdaman ko ang brasong pumulupot sa beywang ko.

"Hm, bakit?" sambit ko pagkatapos kong uminom bago ko hinarap si Felip.

"Ba't sinabi mong magkaibigan lang tayo kanina?" tanong niya habang bahagyang nakanguso.

Bahagyang napaangat ang kilay ko.

"Anong gusto mo? Biglain sila?" tanong ko. "Tsaka, mabuti na rin na ganon muna siguro. Ang weird naman kasi kung aaminin mo agad na girlfriend mo na 'ko ulit, diba?" saad ko.

"Pero kapag tumagal, pwede na ba natin sabihin sakanila?" tanong niya ulit sakin.

I just shrugged and didn't talked.

Siya na ang bahala. Basta wag lang ngayon. Masyado pang maaga. Ni hindi nga ako kilala ng mga kagrupo niya eh. Baka kung ano lang din isipin nila.

Umalis kami sa kusina at pumunta sa sala. Naupo ako sa sofa at tinabihan niya rin naman kaagad ako.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Gusto ko nang magtrabaho. Hindi pwedeng tumambay lang ako rito sa condo mo at umasa sa tulong mo. Tsaka, kailangan ko rin mag-ipon para pag pasukan na ulit ni Julie ma-enroll ko agad siya rito." sabi ko.

Ang dami kong kailangang gawin. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sa aming dalawa ni Julie.

"May alam ka bang trabaho? Doon sainyo, or dito sa malapit. Kahit ano, susubukan ko, basta maayos." ani ko kay Felip tsaka siya tinignan.

He just forced a smile at me bago siya umiling. "Sorry," aniya.

Bumagsak naman ang balikat ko.

Paano na ba 'to? I badly need a job.

Napatayo si Felip nang marinig ang pagkatok sa pintuan. Samantalang napaayos lang naman ako ng upo at sinundan siya ng tingin.

Binuksan niya ang pinto at nakita ko roon yung isang kagrupo niya. Yung pinakamatangkad sakanila, yung bunso. Si Justin.

"Naiwan mo, oh. Sabi naman na kasi namin na kumuha ka na ng PA mo, eh. Para naman may mga nag-aasikaso ng mga gamit mo tuwing busy ka." rinig kong sabi nito pagkatapos iabot kay Felip yung bag.

"Eh, hirap kaya magtiwala. Ayokong kumuha ng kung sino-sino nalang." sabi naman ni Felip. "Uuwi ka na rin ba agad?" tanong niya sa kagrupo niya.

"Oo. Dinaan ko lang talaga 'yan dito sa'yo." ani nito. "Sige, una na 'ko. Babye. Bye, Kylie." saad nito tsaka tumingin sakin at nagpaalam.

Tumango lang ako at maliit na ngumiti.

Umalis na rin kaagad ito. Narinig ko pang binanggit niya kay Felip na may naghihintay pa sakaniya sa kotse niya kaya nagmamadali na rin itong umalis.

Bumalik na si Felip at naupo ulit sa tabi ko.

"Ano yung narinig ko? Kailangan mo ng PA?" pagtatanong ko.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon