CHAPTER 30

841 23 10
                                    

⚠️

Magkahawak kamay kaming dalawa ni Julie habang naglalakad palabas na ng eskwelahan. Ngayong araw ko siya inenroll. Mabuti at hindi naman ganon kahirap yung naging proseso dahil dala naman namin lahat ng kakailanganin niya.

"Ate? Papaano pag papasok na ako tsaka kapag pauwi. Susunduin mo po ba ako?"

Nilingon ko si Julie nang magsalita siya.

"Syempre naman." sabi ko.

Medyo may kalayuan kasi itong eskwelahan mula sa condo ni Felip. Pero ito na rin kasi yung pinakamalapit na nahanap ko. At bukod doon, mahirap na siya lang ang pasolohin ko sa pag-commute araw-araw. Baka mawala lang din siya.

Iba ang probinsya rito. Kaya kung kailangan ko siyang ihatid sundo araw-araw, gagawin ko.

Ngayong naenroll ko na siya, dumiretso na kami sa mall para bumili ng mga gamit niya sa school. Mabuti nalang talaga at may pera na akong hawak dahil sa sinweldo ko mula kay Felip. Kasi kung wala, hindi ko alam kung saan na ako kukuha o manghihiram para pambili ng mga kailangan naming magkapatid.

"Hey, langga. What's up? Naenroll mo na ba si Jo? Nasaan na kayo?"

Tumawag si Felip sa akin habang nandito na kami ni Julie sa mall, namimili na ng mga gamit niya.

"Oo, tapos na. Nandito na kami sa mall bumibili ng gamit niya." sabi ko habang naglalakad kami ni Julie, naghahanap ng mga kakailanganin pa niyang gamit.

May hawak din akong basket dahil hindi naman kayang hawakan ko lang gamit ang mga kamay ko yung bibilhin namin.

"Oh, goods. Susunod ako sainyo." he said.

Sandaling kumunot ang noo ko.

"Wala ka bang ginagawa na diyan ngayon?" tanong ko. Nasa studio kasi nila siya ngayon eh. Tumango ako kay Julie nang ipakita niya sakin yung mga pad papers kaya agad niya naman iyon na nilagay sa basket.

"Wala na," I heared him said. "Susunod ako sainyo diyan, ah. Sasabay na ako kay Stell kasi paalis na rin naman siya." pagdedesisyon niya.

"Oo, sige na." sabi ko nalang.

Desisyon talaga eh. Pero okay na rin iyon na sumunod siya rito sa amin para may taga-bitbit ako mamaya nitong mga binibili namin.

Pagkababa ko ng tawag ay ibunulsa ko agad ang cellphone ko. Julie and I continued to shop her things.

Nakaramdam ako ng sense of relief habang namimili kami ni Jo. I suddenly felt like a proud parent dahil nagagawa kong ibigay sa kaniya yung mga kailangan niya.

Tapos na kaming mamili at nabayaran ko na rin lahat. Wala pa rin si Felip. Palabas na sana kami ni Jo ng store nang sumalubong na sa amin yung taong hinihintay ko. Kahit na naka-mask at cap siya ay nakilala ko pa rin siya kaagad. Prente siyang naglakad palapit sakin bago kinuha ang bitbit kong paperbag.

"I'm your assistant for today kaya ako na magbibitbit nito." sabi niya sa akin.

Tumawa ako nang mahina. "Wala akong pambayad." sabi ko. Sinasakyan ko ang biro niya.

"Don't worry, I'm not asking for some cash." Felip said. He suddenly leaned towards me before whispering on my ear. "Let's talk about the payment tonight sa kwarto ko." pilyo niyang sambit.

Dahil doon ay kinurot ko siya sa tagiliran niya. Pero imbis na masaktan ay natawa pa siya.

How can he be like that habang nandito kami sa labas? Loko talaga.

"Kamusta ang lakad?" he suddenly asked habang naglalakad-lakad na kami. Nasa loob pa rin kami ng mall.

"Good." tipid kong saad.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon