Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga habang kinukusot-kusot pa ang mga mata. Tinanghali na ako ng gising pero okay lang dahil walang schedule ngayon si Felip.
Lumabas ako sa kwarto at nakita ko sa sala si Julie habang nanonood ng TV.
"Ang tagal mo ate magising. Nakaligo na ako ikaw natutulog pa kanina." bungad sa akin ni Julie habang bahagyang nakasimangot pa.
"Maya-maya pa naman tayo aalis." sabi ko.
Lalabas kasi kami ngayon. Bibili kami ng dress niya na susuotin niya sa graduation nila. Kay bilis nga naman ng panahon, gagraduate na siya ng elementary. Magha-high school na, susunod college, tapos magtatrabaho na siya, tapos—ayoko nang mag-isip ng ganon dahil bata pa rin siya para doon. She's still my little sister.
"Nasaan ang kuya Felip mo?" tanong ko nang mapansing wala si Felip sa paligid.
"Umalis po. Pumunta si kuya Stell dito kanina tapos sabay sila umalis." sagot naman niya.
"Saan daw pupunta?" tanong ko habang papalapit sa lamesa kung saan may pagkain.
"Mag-gygym daw po sila."
"Ano oras umalis?" tanong ko ulit tsaka kumuha at sumubo ng isang hotdog.
"Bago po ata mag 8,"
Kumunot ang noo ko tsaka napatingin sa orasan. Ten thirty na ng umaga. So, mahigit dalawang oras na silang nasa gym? Ang tagal naman ata?
Kumain nalang ako ng almusal. Sinabihan ko si Julie na mag-ayos na dahil pakaligo ko ay aalis na rin kami. Mabuti nang maaga kaming umalis para maaga ring makabalik.
Tumunog ang cellphone ko hudyat na mayroong nag-message sa akin. Sa pag-aakalang si Felip iyon ay agad ko iyong binuksan at binasa. Pero nagkamali ako...
from +639**********
'Nak, kamusta ka? Kayo ni Julie?Napabuntong hininga ako bago inilapag ulit ang cellphone ko.
Si Papa iyon.
Isang taon pagkatapos kong lumayas doon sa puder niya kasama si Julie, I also started receiving few messages from him.
Kinabahan at nagulat ako nung una, natakot na rin. Pero sa mga naunang mensahe niya ay may mga paliwanag siya. Nagpapaliwanag siya kahit na hindi siya nakakatanggap ng kahit ni isang reply mula sa akin.
Kay Tita niya nakuha ang bago kong number. Alam niya rin na nandito kami ni Julie sa Manila. Alam niyang maayos ang buhay namin dito ni Julie. I guess he knew everything.
Alam ni Julie na nagrereach-out na sa amin si Papa. Sinabi ko iyon sa kaniya dahil nakita kong okay naman na siya. She didn't say anything further about it. Sinabi lang niya na nag-aalala siya dahil baka biglang lumuwas dito sa Manila si Papa at baka hanapin kami at kunin siya sa akin. Pero malabong mangyari naman iyon. At hindi ko rin naman hahayaan na malayo siya sa akin.
Nagsimula na akong gumayak. Tinext ko rin pala si Felip at tinanong ko siya kung nasaan na sila ni Stell pero wala pa akong natatanggap na reply mula sa kaniya.
Julie and I went to the mall to shop some stuffs for her. May mga dress at sapatos pa naman siya pero plano ko talagang bilhan siya ng bago. Special occassion kaya ang graduation niya. Gagraduate kaya siyang with honors kaya deserve na deserve niya iyon.
"Sige na, mamili ka na ng gusto mo. Pakatapos sandals naman ang bibilhin natin." sabi ko kay Julie habang nasa department store na kami. Nasa harap namin ang iba't ibang dress na kakasya sa kaniya kaya siya nalang ang bahalang mamili.
"Talaga, ate?"
Tumango ako bilang sagot. May extra naman ako kaya hindi problema masyado ang pera.
Tinulungan ko na siyang mamili. Maraming magagandang dress kaya hindi kaagad kami nakaalis pero sa huli ay isang light blue dress ang napili niya. Then we also bought her shoes. Nang mabili na namin yung bibilhin namin ay pumunta na kami sa isang fast food chain para kumain ng lunch.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...