EPILOGUE

1.2K 25 32
                                    

—————

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

—————

FELIP's POV

"Buntis ako, Felip. Magiging tatay ka na."

Kylie left and went upstairs when she said that.

Naiwan ako sa may hagdan na hindi makapaniwala. The results are on my hand. It shows a positive result from her, pati na yung PT niya.

Napatingin ako kay Julie nang marinig kong isinara na niya nang tuluyan ang pinto. I looked at her apologetically for what she saw.

"Sorry, Jo. Nakita mo pa kaming ganun ng ate mo. Aayusin ko 'yon, I'll talk to her." I said.

Maliit lang siyang tumango sa akin. So I excused myself immediately and went upstairs too.

Pumunta ako sa kwarto namin ni Kylie at nakita ko siyang kakakuha lang ng damit niya pamalit at mukhang palabas din agad.

"Ky, let's talk, please." I said.

"Nagsalita na ako. Nasabi ko na rin sa'yo yung tungkol sa pinagbubuntis ko. Wala na akong ibang sasabihin pa." sinubukan niyang dumaan sa gilid ko pero maingat kong hinawakan ang braso niya kaya napatingin siya sa akin.

"Ako ang may sasabihin. Pakinggan mo naman ako," masuyo kong saad.

"Hindi ako galit sa'yo kung iyon ang inaakala mo." saad naman niya.

"Kung hindi ka galit then bakit ganito?" ani ko. "Ky, tignan mo naman ako. Nakikipag-usap ako sa'yo, nagsosorry ako. Kung hahayaan lang kita ngayon na palipasin 'to, sorry pero ayoko. Baka kung saan pa mapunta 'to, baka makasama pa sa'yo lalo na ngayong buntis ka... Kylie, please..." mahabang sambit ko nang may halong pagmamakaawa.

Napatingin siya sa akin, tinitigan niya ako ng ilang sandali bago umiwas din agad. Naglakad siya pabalik at hindi na tuluyang lumabas ng kwarto. She sat at the edge of our bed, not looking at me.

Lumapit ako sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya bago kinuha ang isang kamay niya para hawakan iyon.

"Sorry sa nakita mo kanina." pag-uumpisa ko. I even kissed the back of her hand so she'll know I'm sincerely apologizing. "Oo, hindi ko talaga ginusto 'yon. Hindi ko alam na may ganung gagawin si Rina. But I promise you, that will be the last meeting that we'll have together. Besides, may nangyari mang ganon o wala, wala pa naman talaga sa plano kong tumanggap ng ibang tao. I have other plans. But at least now, we know what's her real intention, diba?" I said.

I looked at Kylie here from the side. Wala siyang reaksyon. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin o kahit na ang kamay namin.

Alam kong nasasaktan siya ngayon. Ako rin naman, nasasaktan ako para sa kaniya. And if I am on her position, alam kong parehas lang ang mararamdaman namin, o baka mas malala pa nga sa akin kapag nagkataon. Pero ayoko nang isipin na may mangyayari pang ganito. It has no good for us.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon