CHAPTER 51

637 22 3
                                    

"Kylie, anak, gising ka na pala," paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Papa na nasa may lamesa. May almusal nang nakahanda sa harap niya at may hawak naman siyang tasa ng kape. "Naghanda na ako ng almusal. Kumain nalang kayo ng kapatid mo. Maaga nga pala akong mamamasada ngayon para maaga rin akong makagarahe mamaya. Huling araw niyo na pala rito dahil bukas na ang alis niyo eh, ipagluluto ko kayo mamaya."

Tumango nalang ako sa kaniya.

Kahit na hindi pa talaga kami okay ni Papa, kahit na hindi maganda ang mga nagawa niya noon, hindi naman ako nagpakatigas ngayon at kahit papaano ay unti-unti na akong napapanatag sa trato niya sa amin. I also don't want to be that disrespectful na hindi iacknowledge ang mga sinasabi at ginagawa niya.

Naghilamos at nag-ayos na muna ako bago ako kumain. Mauuna na muna ako, tulog na tulog pa si Julie eh. Baka napagod din 'yon kahapon kaya di ko na muna iistorbohin.

"Anak, pwede bang magtanong?" Tumango lang ako ulit kay Papa bilang tugon. Kumakain na ako at siya naman ay inuubos pa yung kape niya. "Ah, gusto ko lang naman sana kayong kumustahin... Kayo ng kapatid mo, lalo ka na." saad niya.

"Okay lang, maayos naman kami." sagot ko. "Si Julie, maayos naman ang pag-aaral niya. With honors pa nga po, diba." sabi ko pa.

"Mabuti naman kung ganon. Eh, ikaw? Kumusta ka?" He asked again.

Tumigil ako sandali sa pagkain ko tsaka tumingin kay Papa. Saglit akong natahimik. Pero maya-maya ay nagsalita rin ulit ako.

"Okay naman." tipid kong saad. Wala naman kasi akong ibang maisip na sasabihin sa kaniya tungkol sa kalagayan ko. "Kayo ho ba, kumusta naman kayo rito?" I asked casually.

"M-Masaya," he uttered. Wala sa sarili akong tumango nang maliit. I see... He's really happy about it. "Masaya ako nung nalaman kong okay kayo ng kapatid mo. Na nasa mabuting kalagayan kayo. Masaya ako dahil doon, at hindi dahil sa umalis kayo rito." pahayag niya.

Natigil ako at biglang tinuonan ng pansin ang sinasabi niya.

"Pagkaalis niyo, inaamin ko, wala lang iyon sa akin. Nung mga unang araw na wala kayo at hindi ko nakikita, wala pa 'yon. Pero nung tumagal, isang linggo, isang buwan, hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang araw na ang lumipas, tsaka na unti-unting pumasok sa isip ko na umalis na kayo, na lumayas na kayo, na baka talagang hindi na kayo bumalik dito kahit minsan man lang." sabi niya. "Nagsisi ako... Maniwala ka man o hindi, talagang nagsisi ako, 'nak." aniya. "Pero wala naman akong magagawa. Hindi ko kayo basta nalang masasabihang umuwi at bumalik na kasi alam ko lahat ng ginawa ko sainyo, hindi maganda, masakit... At nung umalis kayo, iyon na siguro yung naging karma ko."

"Sobra kong pabayang ama." sabi niya nang puno ng pagkadismaya sa boses niya. "Ang daming taon ang sinayang ko. Matagal nang wala ang nanay mo, wala ka naman talagang kasalanan sa pagkawala niya pero ikaw ang sinisisi ko. At napaka-walang kwentang ama ko dahil doon." sabi niya pa.

Hindi ako nakakibo. I didn't have anything to say.

"B-Bukas ba pag-alis niyo, babalik pa ba kayo rito?" maya-maya'y tanong na niya.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam. Kasi sa totoo lang, wala pa rin naman sa plano kong bumalik kami rito ni Julie kung hindi lang sa nanay niya.

"Hindi ko po alam. Pero siguro, kasi nandito yung nanay ni Julie. Hindi naman ako madamot, alam niyo po 'yan. Kaya kung hihilingin niyang bumalik dito para makasama ang mama niya, papayag naman ako. Kahit na sa ngayon may limitasyon pa. Siya lang din naman ang inaalala ko." paliwanag ko kay Papa.

Nang muli ko siyang tignan, maliit lang siyang nakangiti sa akin. Umiwas nalang din agad ako at tinapos na yung almusal. Tapos na rin siyang magkape. Nagpapaalam na sana siyang lalabas na siya para mamasada pero bigla rin namang may dumating.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon