CHAPTER 29

809 23 5
                                    

"Good morning!"

Nakangiti akong lumapit kay Felip tsaka tinignan yung almusal na nakaready na sa lamesa.

"Good morning. Ang aga mo ata nagising," sabi ko sakaniya.

"Sinadya ko," sabi niya. "Ikaw kasi, parating maaga ka nagigising kaya para maiba naman, inagahan ko gising ko ngayon at ako na rin nagluto ng almusal natin." dagdag niya pa.

"Kulang naman." mahina kong saad habang nakatingin sa mga pagkain. May kulang eh.

"Ha? Anong kulang?"

Nilingon ko siya sa tabi ko. I looked at him from head to toe. Wala na naman siyang pang-itaas.

Ngumisi ako bago humawak sa dibdib niya kaya napatitig lang siya sa akin.

"Walang kape, Ken. Sayang naman 'tong pandesal mo kung hindi natin sasamahan ng kape." sabi ko sakaniya tsaka ipinaglandas ko ang kamay ko pababa sa tiyan niya tsaka ko hinaplos yung abs niya.

"Gatas ko, ayaw mo?" mahina niyang bulong gamit ang malalim niyang boses.

"Gago," saad ko tsaka pabirong umirap. May binabalak pa ata.

Tumawa nalang siya.

That's just how we spend our mornings with each other. Madalas nga ako ang nauunang magising kaya ako na rin ang naghahanda ng almusal namin. But there are really times like this na kagaya ng sinabi niya, sinadya niyang maagang gumising para siya naman ang kumilos.

I really appreciate that.

It's another day for me and Felip. Wala silang practice ngayon pero meron siyang personal na ganap, solo niya.

Nainform naman na kami ng manager nila tungkol doon sa mga solo schedule niya.

I was just with him the whole time. Syempre may iba rin kaming kasama. Habang papunta palang kami sa mga pupuntahan namin ay ako na ang nagsisiguro na walang naiiwan na gamit niya.

I'm okay with being his personal assistant. Atleast palagi kaming magkasama, alam ko kung sino ang mga nakakasalumuha niya.

Felip became busy the past few days. At ngayon na pahinga niya, nag-alangan na tuloy ako kung magpapasama pa ako sakaniya na lumabas. Ngayon na kasi namin kikitain si Tita. Nandito lang kami sa condo niya.

"Ate, ngayon na po ba tayo bibili ng mga gamit ko sa school?"

Napatingin ako kay Julie na nag-aayos ngayon ng sarili niya sa harap ng salamin. She's already dressed up, ngayon ay may kung ano-ano nalang siyang nilalagay sa mukha niya. Hiniram ba naman make up ko.

"Hindi pa. After nalang 'yon ng enrollment mo para isahan yung pagbili natin." sabi ko sakaniya.

"Eh saan po tayo pupunta ngayon?" tanong niya ulit.

"Lalabas lang. Ilalabas kita." sabi ko nalang sakaniya.

Hindi pa kasi niya alam kung bakit nga ba kami aalis ngayon. Hindi ko pa sinasabi sakaniya na kikitain talaga namin si Tita.

"Tayong tatlo po ba ni kuya Ken?" tanong niya pa.

"Ah, hindi muna ata. Dito lang naman tayo sa malapit eh." sabi ko sakaniya.

Tumango nalang siya. Nakita kong kinuha niya na ang lipstick kaya pinaalalahanan ko siya.

"Wag mong papapulahin masyado yang labi mo, ha. Light lang iapply mo." sabi ko sakaniya.

Tumango lang siya habang maliit na nakangiti.

Siya nalang talaga inaantay ko. Nakaayos na 'ko eh.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Felip. Nakahiga siya at mukhang tulog. Lumapit ako sakaniya tsaka marahang hinaplos ang braso niya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon