CHAPTER 1

863 37 8
                                    

KYLIE's POV

Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makauwi ako sa bahay. Ang gulo na naman. Halos buong araw lang akong nawala, paano pa kaya pag tumagal?

"Julie," tawag ko sa kapatid ko habang nasa kusina ako.

"Ate?"

Nang marinig ko ang boses ni Julie at nang makalapit na siya sa akin ay pinaupo ko na siya sa upuan para makakain na rin kami.

"Kain na tayo. Sorry, late na akong nakauwi." sabi ko sakaniya.

Tumango lang siya at hindi umimik.

Nilibot ko naman ang paningin ko tsaka nag-obserba tsaka ko ulit siya binalingan.

"Si Papa? Naabutan mo pa bang nandito?" tanong ko sakaniya.

Wala kasi ngayon 'yon, malamang umalis na naman.

"Hindi po. Wala na po siya rito pag-uwi ko." sagot niya.

Tumango nalang ako tsaka maliit na ngumiti. Pagkatapos ay hinainan ko na siya ng pagkain para sabay na kaming makakain.

Mabuti naman...

Masama na ba akong anak kung maluwag ang loob ko tuwing wala rito si Papa? Doon lang kasi kami natatahimik eh. Pati si Julie, takot na rin sakaniya.

Pagkatapos naming makakain ay akmang maghuhugas na ako ng mga pinagkainan namin nang maunahan na ako ni Julie. Tiningala niya ako tsaka ngumiti.

"Ako na po." sabi niya sa akin. "Magpahinga ka nalang, ate. Alam ko po pagod ka." sabi niya.

Dahil doon ay napangiti ako tsaka hinaplos ang buhok niya.

"Thank you, Jo." sabi ko sakaniya.

Julie's growing now. Atleast ngayon natutulungan na niya ako sa mga gawaing bahay. Naiiwan ko na siya rito sa bahay tuwing wala ako.

It's been four years. Apat na taon nang sakaniya na lang ako kumakapit.

Pumasok na ako sa kwarto naming magkapatid tsaka nagbihis.

Nakakapagod nga. Kakagaling ko lang sa trabaho roon sa isang grocery store, nagtatrabaho ako roon bilang cashier. Kailangan ko 'yon para hindi na kami umaasa sa padala ni Tita sa Maynila. Nakakahiya na kasi. Ang laki na ng naitulong no'n sa amin.

Nang makapagbihis ako ay sandali akong nahiga sa higaan namin. Tumingin ako sa kisame bago pumikit.

Pero agad din akong nagmulat nang pagpikit na pagpikit ko ay isang imahe na naman ang pumasok sa isip ko.

Inis nalang akong suminghal tsaka bumangon.

Hindi talaga ako tinitigilan ng lalaking 'yon. Wala na nga siya rito pero hindi pa siya maalis-alis sa isip ko.

"Ate, may ikukwento po ako sa'yo."

Pagpasok na rito ni Julie ay iyon agad ang narinig ko mula sakaniya.

"Ano?" tanong ko tsaka inayos ang paghihigaan namin.

"Nakita ko po kanina si kuya Felip—"

"Ano?!" gulat kong saad.

Gulat din namang napatingin sa akin ang kapatid ko nang bigla akong magtaas ng boses.

"S-Sorry." paghingi ko sakaniya ng paumanhin. "Anong ibig mong sabihin? Wala na siya rito, nasa Maynila na siya, Jo, kaya paano?" tanong ko, pero sa pagkakataong ito ay mahinahon na ang boses ko.

"D-Doon ko lang naman po siya sa tarpaulin nakita. Sa nabasa ko po roon, may concert daw po sila rito sa Sabado." sagot nito sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon