CHAPTER 55

686 26 20
                                    

KYLIE's POV

Kanina pa ako hindi pinapatulog ng utak ko. Felip's sleeping already here beside me. Pinatulog ko na siya dahil alam kong pagod siya mula sa concert kanina.

I was really surprised of his proposal earlier. Hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako makapaniwalang inalok na niya ako kanina ng kasal. The evidence is here on my finger. Tinignan ko ang kamay at daliri ko kung saan nakasuot yung singsing. It looks so precious.

Napapaisip na naman tuloy ako kung karapat-dapat ba ako para pakasalan ni Felip. I mean, oo, mahal ko siya. Pero may mga bagay na tingin ko hindi ko kayang ibigay sa kaniya. I know a part of his plan on building a future with me is having kids. Nasa plano niya iyon habang ako naman ay wala... Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol doon at alam ko na kailangan ko na iyon sabihin sa kaniya sa lalong madaling panahon.

Kinaumagahan, ako ang naunang magising kay Felip. I was the one who prepared our breakfast. Kami lang ngayon ang nasa condo dahil si Julie ay nandoon sa bahay ni Tita. Mas madalas na siya roon ngayon. Binigyan ko na rin si Kuro ng pagkain niya para makakain na siya.

"Good morning, langga," napalingon ako kay Felip nang marinig ko siya. He gave me a quick hug and a kiss on my forehead before he sat beside me. "Good morning. Breakfast ka na." mahinang sabi ko sa kaniya.

"Parang ang aga mo," aniya.

"Ah, baka kasi aalis ka, baka may kailangan kang puntahan. Hindi na kasi kita natanong kahapon eh." sabi ko.

He just nod his head and take a sip on his coffee. Sinabayan na niya akong kumain ng almusal. Habang kumakain kami ay bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Bagay talaga sa'yo 'yang singsing." sabi niya habang nakatitig doon. "Ang galing ko talagang pumili." sabi niya pa.

"Saan mo pala 'to binili? Magkano?" curious kong tanong sa kaniya.

"Bakit? Babayaran mo? No need, Ky. Presence mo lang sa wedding day natin, sapat na." banat niya. I just face palmed at him kaya mahinang natawa siya. "Anyway, doon sa store nila Ivy ko 'yan binili. Kasama ko no'n si Josh. Nung nasabi ko kasi sa kanilang apat na balak ko nang magpropose sa'yo, nirecommend niya agad sakin yung jewelry store nila Ivy. Parang doon din nga bumili ng singsing sina Pau at Stell eh. Ang gaganda rin kasi diba ng jewelries doon." kwento niya. And I nodded in response.

Felip and I have the whole day to spend time with each other. Pahinga na nga pala niya ngayon dahil naging busy siya nung nakaraang buwan sa pagprepare para sa concert niya kahapon.

"Christmas is coming... Next year na magcecelebrate tayo ng christmas at new year, mag-asawa na tayo." We were watching a movie when Felip suddenly said that. Napangiti nalang ako dahil lumambot ang puso ko nang marinig yung salitang 'mag-asawa'. "Tsaka siguro buntis ka na no'n. Baka dinadala mo na yung panganay natin."

Biglang nawala ang ngiti ko at napalunok nalang ako. Was that a sign that I should tell him about it already?

Maya-maya ay naramdaman kong pumunta ang kamay niya sa tiyan ko. He gently caressed it as if imagining something. "I can't wait to see you having that bump right here." he said while doing it.

Napapikit ako at bumuntong hininga. Pagkatapos ay dahan-dahan kong inalis ang kamay niya roon pero nanatiling nakahawak ang kamay ko sa kamay niya.

"Ken, may kailangan akong sabihin." sabi ko at diretsong tumingin sa kaniya.

"Ano?" nag-aabang niyang tanong.

I stared at him and take a deep breath again before looking at our clasped hands.

"I'm sorry..." saad ko nang halos pabulong na.

"What? Why?" I heard him asked, getting worried all of a sudden. Inangat niya ang baba ko dahilan para mapatingin na ulit ako sa kaniya. "Bakit?" tanong niya ulit. May pagtataka at pag-aalala sa kaniyang mukha.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon