KYLIE's POV
Tinignan ko ang basket na bitbit ko habang naggogrocery ako. Shampoo, sabon, mga pang personal hygiene namin ni Julie, at iba pang mga essentials ang laman nito.
Chineck ko kung may kulang pa at hindi pa ako nakukuha. Ayoko naman kasing bumalik at lumabas ulit, makakaabala na ako kay Felip. Nang matignan kong kumpleto na ay napahinga ako nang maluwag.
"Tara na, Jo—"
Napatikom ako ng bibig ko nang pagtingin ko sa likod ko ay wala na yung kasama ko.
Kaya pala wala nang maingay at nagsasalita sa likod ko dahil wala na si Julie.
Agad akong naglakad at pumunta sa kabila para tignan siya. Hinanap ko ang kapatid ko. Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa makita ko si Felip tulak-tulak ang push cart habang may tinitignan sila ni Julie.
Agad akong lumapit sakanila.
"Anong ginagawa niyo rito? Tara na, okay na 'to." sabi ko sakanila.
Mukhang tapos na rin naman na si Felip kaya gusto kong pumunta na sa counter para magbayad at nang makauwi na rin kami kaagad.
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ni Felip sa akin. Umiling naman ako bilang sagot. "Ikaw, Jo, may gusto ka pa ba?" tanong niya naman kay Julie.
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sakanila. Napatingin din ako sa cart ni Felip at pansin kung hindi naman lahat ay para sakaniya at mga kailangan niyang stocks doon sa condo niya. Pansin ko kasi na yung iba roon ay mga biscuit at mga junk foods.
"Nagpabili ka ba, Jo?" tanong ko tsaka bumaling kay Julie.
Pero imbis na siya ang magsalita, si Felip na ang sumagot.
"Nope. Binili ko 'to para sakaniya. And para satin na rin 'tong tatlo. Para may nakakain kayo anytime sa condo." sabi niya.
Tinignan ko siya nang nakataas ang kilay pero kita kong tumaas din ang kilay niya kahit na may sumbrero siya. Pagkatapos ay lumapit na siya sa akin at pasimple akong inakbayan.
"Let's go, magbayad na tayo." sabi niya.
Napailing nalang ako bago naglakad na rin kasama sila.
Nang makarating kami sa counter na marami nang tao ay tinanggal ko na ang pagkakaakbay ni Felip sa akin. Ako na ang pinauna niya at siya ang kasunod ko.
Nag-usap na rin kami bago pa man kami umalis sa condo niya. Na hindi niya ako pakikialaman at ako ang magbabayad lahat ng kukunin ko na kailangan namin ni Julie. Humirit pa kasi siya na siya na raw ang magbabayad pero tinutulan ko na siya.
Hindi naman kasi porket kami na ulit, hahayaan ko nalang na halos siya na ang gumastos para sa akin, para sa aming magkapatid. Everything has its limitations.
Nasa isang mall kami ngayon. Late na nga kaming nakalabas dahil late na rin kaming nagising. Magtatanghali na rin ngayon kaya kailangan na naming umuwi. Aalis pa naman si Felip maya-maya.
Pauwi na kami ngayon. Wala naman akong balak puntahan na iba.
Naramdaman ko na parang naiihi ako kaya pasimple kong hinawakan ang braso ni Felip kaya napatingin siya sa akin.
"Naiihi ako. Saan yung CR?" sabi ko sakaniya.
Lumingon muna siya sa paligid bago niya sinabi kung saan. Sumunod nalang kami ni Julie sakaniya. Siya naman ang nakakaalam kung saan ang mga restroom dito eh.
Nang sa wakas ay marating na namin ang restroom ay pinahintay ko nalang silang dalawa sa labas. Agad akong pumasok sa cubicle at agad na umihi.
Pagkatapos ay nagflush na rin ako at agad na lumabas. Lumapit muna ako sa sink para maghugas ng kamay. Sakto namang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng isang cubicle kaya napatingin ako sa salamin para tignan yung kung sino mang tao na 'yon. But then I stopped and got shocked when I recognize her.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...