CHAPTER 16

658 27 7
                                    

"Jo, manood ka na muna rito ng TV, oh." tawag ko kay Julie na nasa kwarto pa. Kakatapos niya palang maligo at magbihis.

Maglilinis na rin muna ako kasi rito. Kaya ngayon hahayaan ko na muna siyang manood para malibang naman siya.

Nang makahanap na ako ng papanoorin ni Julie ay magsisimula na rin sana akong maglinis nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kaya naman pumasok muna ako sa kwarto para kunin iyon. Nakita kong si Ronnie ang tumatawag kaya sinagot ko iyon.

"Ky! Nasaan ka? Nasaan kayo ng kapatid mo? Umalis ka raw sabi ng Papa mo, naglayas ka raw!"

Hindi muna ako nagsalita at pinabwelo na muna si Ronnie.

Base sa tono ng pananalita niya, halatang nag-aalala rin siya. Hindi ko pa nga pala nasasabi sakaniya na umalis ako. Well, wala naman talaga akong sinabihan.

"Babes? Uy, magsalita ka naman. Okay ka lang ba?" tanong ulit ni Ronnie sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako bago magsalita na.

"Oo, okay lang ako, Ron. 'Wag mo 'kong alalahanin." sabi ko.

"Nasaan ka? Ba't mo naman naisipang lumayas?" mahina niyang tanong.

"Nasa Manila na ako, Ron. Nandito na kami ni Julie. Atin lang 'to, 'wag mo nang banggitin sakaniya." sabi ko. Alam naman niya kung sinong tinutukoy ko sa huli kong sinabi. "Tsaka, matagal ko na nga dapat 'tong ginawa eh... Pero ngayon lang ako napuno. Hindi ko na kinaya..." sabi ko pa.

"Nasa Manila kayo? Paano kayo napunta diyan? 'Wag mong sabihin na sumama ka sa ex mo," aniya.

"Edi hindi," ani ko tsaka umirap sa kawalan.

"Ky naman," dinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Akala ko ba walang balikan? Paano kung iwan ka lang sa ere niyan ulit tapos pabayaan niya kayo ng kapatid mo? Paano kayo? Ikaw na nga mismo nagsabi sa akin, nagawa niyang iwan ka noon dito. Paano nalang ngayon, ha?"

"Hindi niya gagawin 'yan." mariin kong sambit. "Nagsorry na siya sa ginawa niya noon. Pinagsisihan na niya iyon. At kilala ko si Felip, hindi niya magagawa ang sinasabi mo." sabi ko sakaniya.

I know Felip since then. At yung sinasabi ngayon ni Ronnie, malabong gawin iyon ni Felip kahit na kanino, lalo na sa amin.

"Nagpapaalala lang ako. Baka kasi nakalimutan mo na kung anong inepekto ng pag-iwan niya sa'yo noon," sabi ni Ronnie.

"Alam ko ang ginagawa ko." kalmado kong saad. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago muling nagsalita. "Alam kong nag-aalala ka sa akin, Ron... Salamat... Pero sinisiguro ko sa'yo, walang gagawin si Felip na kagaya ng sinasabi mo." pahayag ko.

Mabuting tao si Felip. I know he won't leave me hanging. I trust him.

I heared another sigh again from Ronnie bago siya muling nagsalita.

"Basta, tawagan mo 'ko kapag may problema ka. O kung may ginawa 'yang lalaking 'yan sa'yo. Pupuntahan talaga kita diyan." kalmado na niyang saad.

"Oo," sagot ko nalang.

Alam kong wala naman 'yon gagawin eh. Mukhang busy din siyang tao. Tignan mo nga naman ngayon, oh. Umalis agad at pumunta sa studio nila kahit na kakarating lang niya kagabi.

Doon na rin natapos ang usapan namin ni Ronnie.

Wala naman talaga siyang dapat na ipag-alala. Maayos ako rito. Magsisimula kami ni Julie ng bagong buhay dito. At iyon ay dahil sa tulong ni Felip.

Pagkatapos ng pag-uusap namin na 'yon ni Ronnie sa cellphone ay nagsimula na rin akong maglinis ng condo ni Felip. Wala siya rito ng dalawang linggo rin ata kaya may mga dumi na rin sa ibang sulok kaya sinigurado kong malinis ang paligid.

Naghanda nalang din ako ng lunch namin ni Julie. May hawak akong pera ngayon dahil kahapon ay pinakiusapan ko yung dati kong amo na kukunin ko na yung huling sahod ko dahil nga aalis na kami. Mabuti nalang at pumayag kaya hindi naman ako ngayon walang-wala.

Nagulat nalang din ako nang bigla akong makatanggap ng chat mula kay Felip. Nangangamusta lang, chinecheck kung okay ba kami rito at komportable. Na-unblock niya na pala ako. Hiningi rin niya ang number ko para madali niya raw akong namemessage o natatawagan kaya binigay ko rin kaagad. Ganun din siya, we just exchanged numbers.

Tungkol naman sa mga responsibilidad ko kay Julie, nakausap ko rin ang ate ni Felip kahapon na isang teacher din sa school ni Julie at napag-alaman kong tapos na yung test ng mga bata at makakapagbakasyon na rin sila sa wakas.

That's a huge relief. Mabuti nalang at nataon ngayong biglaang pag-alis namin yung sa eskwela ni Julie. Mabuti nalang at pabakasyon na rin at tapos na yung school year.

Tungkol sa report card niya, ate na mismo ni Felip ang nag-insist na siya nalang ang kukuha at ipapadala nalang iyon dito sa amin. I also thanked her for that.

Kaya ngayon, sisikapin ko na magkatrabaho para makapag-ipon ulit ako kahit papaano para sa susunod na opening ng klase ay maeenroll ko rin agad si Julie sa eskwelahan dito.

Buong araw ay kami lang ni Julie ang magkasama sa condo ni Felip. Alam kong hindi pa rin siya okay dahil medyo tahimik pa rin siya. Pero ginagawa ko yung dapat kong gawin, kinakausap ko siya palagi.

Nang gumabi na at nakaluto na rin ako ng hapunan namin, nag-dalawang isip pa ako kung itetext ko ba si Felip para tanungin kung pauwi na ba siya para sana sabay-sabay na ulit kaming kumain. Pero sa huli ay ginawa ko pa rin. I messaged and asked him.

Ky:
Pauwi ka na ba? Hintayin ka na sana namin ni Julie para sabay-sabay ulit tayong kumain...

I messaged him that.

At wala pang isang minuto ay nakapagreply agad siya.

Felip:
Yes, dito na 'ko.

Andito na raw siya.

Ilang segundo lang din, since nandito ako sa may lamesa ay napatingin ako sa sala nang mapansin kong dumating na nga siya.

Medyo napakunot ang noo ko nang makita kong may karga karga siya.

"Saan galing 'yan?" taka kong tanong habang nakaturo sa karga niyang pusa.

Don't tell me na pati pusa, kinupkop na rin niya? Pero hindi eh, hindi naman kagaya ng mga pusa na nasa daan yung dala niya.

"This is Kuro. Alaga kong pusa." sabi niya tsaka ngumiti.

Ibinaba niya iyon sa sofa. Mabilis namang lumapit yung pusa, o si Kuro, kay Julie kaya nagulat ito. Pero maya-maya rin ay maingat na niyang hinahawakan ang pusa.

"Kinuha ko na siya sa kaibigan ko. Yung pinakiusapan kong mag-alaga muna kay Kuro nung umuwi ako sa atin." sabi niya tsaka lumapit na sa akin. "Ngayong nandito na ulit ako, dito na rin siya ulit. Pwede niyo ba siyang bantayan? Hindi ko naman kasi siya pwedeng lagi nalang din dalhin sa studio lalo na kapag busy kami." sambit niya.

"Oo naman." agad kong pagsang-ayon. Wala namang problema iyon.

Tinignan ko pa muna ulit si Julie habang pinepet na niya si Kuro. Hmm, mukhang nagustuhan niya na kaagad yung pusa, ah.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon