Dahan-dahan kong inilapag ang cake sa lamesa tsaka ko pinagmasdan lahat ng nakahanda roon. Cake for the dessert na ang flavor ay mocha, steak, wine... Nandoon na rin yung boquet ng bulaklak na binigay ni Felip sa akin kaninang umaga. Kompleto na, si Felip nalang ang kulang.
Napatingin ako sa front door ng bahay nang makarinig kong may gumarahe na sa labas. I left the dining areq and walked towards the door. Huminga ako ng malalim bago ko iyon binuksan.
Nakita ko ang pagbaba ni Felip mula sa sasakyan niya. Nakangiti lang akong naghihintay sa kaniya sa may pintuan.
"Ga, aalis ka?" tanong niya nang makita akong nakaayos masyado at hindi lang simpleng pambahay ang suot.
"Hindi." sabi ko tsaka niyakap siya nang makalapit. "Halika na sa loob. Kumain na tayo." sabi ko at hinawakan ang kamay niya at hinila siya sa loob.
Excited akong ipakita sa kaniya ang inihanda ko kaya naman mabilis ang lakad ko habang hila-hila ko siya papunta sa dining area. The lights are fully opened and everything's ready on the table.
"Surprise..." I said as I showed him what I prepared.
"W-Wow, you prepared all of that?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Maliit akong tumango tsaka tipid na ngumiti bago hinawakan ang dalawang kamay niya. I looked at him to see his reaction. Hindi siya gaanong makapaniwala kaya napabuntong hininga ako.
"Sana nagustuhan mo... I know you want to celebrate every year that we had the past years that we've been together. Pero dahil sa gusto kong simple lang, yung magkasama lang tayo, at kahit wala nang cele-celebration, pinaboran mo pa rin ako." pagsasalita ko. "Ngayong mag-asawa na tayo, naisip ko na it's time for a change. Starting this year, we will be celebrating every anniversaries we will have. Para kahit sa ganitong paraan din lang, mapasaya rin kita." sabi ko kay Felip.
Hindi naman kasi kami nagcecelebrate ng ganito noong mag-jowa palang kami. Aside sa inaalala ko yung perang pwedeng magastos dahil nga noon ay nag-iipon ako, mas gusto ko rin kasi talaga ng simple lang at wala nang kung ano-ano. Sapat na sa akin yung magkasama kami, na okay kami.
"Sorry sa missed celebrations sa anniversaries natin sa mga nagdaang taon. Promise ko ngayon, wala nang anniversary tayong mamimiss dahil icecelebrate na natin 'yon every year." sabi ko pa sa kaniya.
Felip didn't say a thing. Nakahawak ang isa niyang kamay sa sandalan ng upuan habang nakatingin sa mga nakahanda sa lamesa na para sa aming dalawa.
"Happy anniversary sa atin... N-Nagustuhan mo ba?" sambit ko nang hindi pa siya magsalita.
Napalingon siya sa akin tsaka siya umayos ng tayo.
"Nagustuhan ko... Pero sana sinabi mo nalang sakin para sana sa labas nalang tayo kumain para hindi ka na sana napagod. 'Yang cake, nagbake ka pa ba kaninang wala ako? Halika na nga, take your seat. Kumain nalang na tayo." sunod-sunod niyang sambit. Akmang aalalayan niya ako para maupo na sa silya pero tumawa nalang ako nang mahina dahilan para nagtataka niya akong tignan. "Bakit?" aniya.
"Felip naman, 'yan na nga lang magagawa ko para sa'yo eh. Ako na mismo ang gumawa ng dinner natin para special naman kahit papaano." sabi ko sa kaniya. "At yung cake, binili ko 'yan. Wala na akong oras kung magbebake pa ako." dagdag ko pa.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahan 'yong hinaplos.
"Wag kang mag-alala. Hindi naman ako pagod. May gagawin pa nga tayo mamaya eh." pilya kong saad sa kaniya.
Nagulat ako nang hapitin niya ang beywang ko tsaka niya inatake ang labi ko.
My eyes widened a bit because of his sudden action. Pero maya-maya ay napapakit nalang ako tsaka tinugon ang halik niya.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...