CHAPTER 22

802 28 9
                                    

"Anong ibig mong sabihin? Nandito rin ba siya sa Manila?"

Umiling ako sa tanong na iyon ni Felip.

"Kokontakin niya lang yung pinsan niya. May ari raw kasi iyon ng Salon. Kakausapin niya raw tungkol sa akin tapos tsaka niya ulit ako tatawagan at ibibigay na sa akin yung address at number ng pinsan niya para makapag-usap din kami no'n ng personal." paliwanag ko sakaniya.

Ibinaba ko na muna si Kuro sa sofa bago lumapit sakaniya.

"Kumain ka na. Pupunta ka ba sa studio niyo?" tanong ko naman sakaniya.

Marahan lang siyang tumango bilang sagot.

"Tungkol doon sa ambag, sa bills, hindi mo naman kailangang magbigay sa akin. I made you stay here for free. Wala naman akong ikinondisyon sa'yo." maya-maya'y sabi niya.

"Alam ko naman 'yon," sabi ko tsaka bumuntong hininga. "Pero hindi pa rin fair yung wala akong naitutulong sa'yo rito. Kaya, please, hayaan mo nalang ako. Yung mga mag-asawa nga, nagtutulungan. Tayo pa kaya." sabi ko pa.

I'm just doing what is right. Doon tayo sa makatarungan at patas.

"Alam mo rin na hindi ako yung umaasa sa iba, diba?" makahulugan kong sambit sakaniya.

Bahagya siyang tumango.

Oh, alam niya talaga.

Hindi ako umaasa sa iba dahil sa sarili ko ako umaasa.

Hindi na rin nakipagtalo pa si Felip sa akin at nanahimik nalang siya. At akala ko ay hindi siya kakain since wala raw siyang gana pero maya-maya nang magising na si Julie at lumabas na ng kwarto ay siya rin ang nag-aya sa amin na mag-almusal na.

It was a normal day for me here at his condo again. Nang makaalis siya ay naiwan kaming dalawa ni Julie rito, pati na si Kuro.

Hindi ko aakalaing nagawa pang mag-alaga ng pusa ni Felip despite sa pagiging busy niya. Alam ko naman noon na mahilig siya sa pusa noon pa man. Nakakatuwa lang na ngayon meron na siyang alaga.

I'm also patiently waiting for Ronnie's update. Pero hindi ko naman iyon minamadali. Alam kong may ginagawa rin siya, pati na yung pinsan niya kaya alam kong hindi talaga agad-agad iyon.

Felip's also been texting me from time to time, nirereplyan ko rin naman syempre. Nagreremind lang na kumain na kami rito kapag oras na ng kain.

Ganun lang naman kami nitong mga nagdaang araw magmula nung nandito na kami eh.

Nung gabi na, hindi ko alam kung hihintayin pa ba namin si Felip para sabay-sabay ulit kami kumain dahil hindi na siya nakapagreply sa mga message ko. When it reached seven thirty in the evening, lumapit na sa akin si Julie at sinabing nagugutom na raw siya.

"Ate, gutom na 'ko," aniya sakin.

Tumango nalang ako bago kami pumunta sa dining.

Naghanda na ako ng pagkain namin. Kakain nalang din ako para may kasabay siya.

Hindi na namin hinintay si Felip, baka mamaya pa 'yon eh.

Habang kumakain kami ni Julie ay may biglang dumating kaya pareho kaming napatingin sa sala. Nakita ko si Felip na may dala-dalang isang boquet ng bulaklak. Napaangat ang kilay ko habang nakatingin sakaniya.

Inilapag niya muna sa sofa yung bag niya bago lumapit sa akin.

"For you, 'ga," he said as he handed me the flower. He also kissed the top of my head.

Nagtataka man ay kinuha ko pa rin iyon. Tinitigan ko iyon bago bumalik ang tingin sakaniya.

"Para saan 'to?" taka kong tanong.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon