CHAPTER 43

672 21 13
                                    

⚠️🔞

"First time mo makasama sa ganitong bar gig ni Ken, noh?"

Tumango ako kay Stell bilang pagsang-ayon. Kasama ko siya ngayon pati na yung dalawang bestfriend ni Felip. May iba pa naman kaming kasama na katrabaho syempre.

Mag solo gig ngayon si Felip. Hindi ito ang unang beses na may bar gig siya. And now that it's been more than a year since I became his personal assistant, pangatlong beses na rin 'to. Hindi ako nakakasama sa kaniya sa ganitong gig niya nung unang pangalawang beses na kasama niya dapat ako dahil may mga kailangan akong gawin na mas importante.

Nandito kami sa gilid ng stage kung saan siya nagpeperform. I am amazed how he made his audience go wild. Umaakto lang ako ngayon na parang normal lang din na nanonood pero pinipigilan ko lang din ang sarili ko na tumili at mag-ingay sa pag-cheer sa kaniya.

"Jusko, dzai. Ang daming nababaliw sa boyfriend mo."

Napalingon ako kay Jade nang lumapit at tumabi siya sa kinatatayuan ko. Mahina akong tumawa sa sinabi niya.

"Okay lang, normal naman dahil fans sila ni Felip." sabi ko.

"Sabagay. Tsaka, alam din nilang nandito ka na girlfriend." sabi niya at tumawa pa.

Napailing nalang ako at ibinalik ang atensiyon kay Felip sa stage. 

Magaling. He's good at almost everything. Pero dito sa ginagawa niya, sa pagpeperform, wala akong masabi. All I know is just that he gives his all in his every performance. Nagiging maganda ang lahat ng kinalalabasan ng ginagawa niya.

"Ky, oorder kami ng drinks. Ikaw, anong gusto mo?"

Lumapit sa akin si kuya Mav tsaka ako tinanong.

"Ah, kahit ano nalang, kuya Mav. Basta hindi yung nakakalasing." sabi ko. Hindi naman kasi ako umiinom eh, at parang ayoko rin.

"Sige, noted. Aalis na muna kami, mag-oorder lang. Balikan nalang namin kayo rito." sabi niya pa.

Tumango nalang ako. Tumingin pa muna ako sa kaniya hanggang sa makaalis siya sa pwesto namin. Kasama niya si Stell at si Joshuel.

Sina Jade nalang ang kasama ko rito ngayon kaya nanonood nalang din ako.

Minutes had passed, we were just vibing with Felip's performances on stage. Ineenjoy ko ang moment nang biglang may waiter na lumapit sa amin na may dalang isang juice.

"For Ms. Kylie, po?"

"Uy, para sa'yo raw." mahina akong siniko ni Jade.

Siguro ito na yung order ko na isinabay ni kuya Mav  kaya tinanggap ko iyon nagpasalamat sa waiter. Hindi na muna ako uminom at nilapag muna iyon sa table na nandito sa amin.

Lumingon ako sa paligid para tignan kung nakabalik na yung tatlong nag-order ng inumin pero wala pa. Mukhang pinauna pa talaga 'tong sa akin. I just shrugged and get back my attention to my boyfriend on the stage.

Nang makaramdam ako ng pagkauhaw ay tsaka ko lang naisipang inumin na yung juice. Sumimsim na ako roon ng kaunti at agad ding ibinalik iyon sa lamesa. Bumalik ako sa panonood at hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang boses nina Stell nang makabalik na sila.

"Sorry, guys, medyo natagalan. Dami ring nag-oorder." Stell told us. Inilapag na rin niya sa lamesa yung dala niya.

"Okay lang." ako na ang sumagot. "Kahit hindi niyo na rin sana pinauna 'tong akin." sabi ko at tinuro yung pineapple juice na nauna nang dumating kanina.

"Huh?" I heared kuya Mav uttered as he placed a pineapple juice also in front of me. "Ito palang yung sa'yo, Ky," aniya.

"Ano?" nagtataka kong saad. "Eh kanino galing 'to?" nagtataka kong tanong sa kanila at hinawakan ko pa yung baso.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon