CHAPTER 48

748 23 3
                                    

KYLIE's POV

Inalis ko ang comforter na bumabalot sa katawan ko nang magising ako tsaka ako bumangon at umupo muna sa kama. Hay, presko. Napatingin ako sa ibabang katawan ko nang mapagtanto kong wala pala akong suot na short. Mainit kasi. Kaya kagabi pagkatapos maligo, nagsuot nalang ako ng simpleng t-shirt at underwear. Diretso naman na kaming natulog ni Felip.

Speaking of that man, hindi ko siya makita dito sa kwarto. Di bale na, nasa labas lang naman iyon at wala naman siyang pupuntahan.

Tumingin ako sa sliding door at nakaharang pa rin doon yung kurtina, pero makikita pa rin na sobrang liwanag na. Kaya naman kinuha ko ang cellphone ko sa side table para tignan ang oras. Nakita kong malapit na mag-alas otso ng umaga. I overslept. Pero hindi ko na iyon inalala dahil naagaw ng isang message ang atensiyon ko. Galing kay Papa, ulit.

from: +639*********
Kylie, nak, may pkiusp sna ako sayo
Alm ko nsbi n ng tita mo na nandto na nanay ni julie
Nkkusap sya nak eh, gus2 niya makta kpatd mo...
Kelan m ba balak? Kht hnd tuluyang bumalik, alm ko nmn n galit ka skn, bisita mn lng sna. Para makilala n rin ng kpatd mo nanay niya

Pagkatapos kong mabasa iyon ay iniwas ko ang tingin sa cellphone ko. Sa labas ako tumingin, kahit na may kurtina pang nakatakip.

Huminga ako ng malalim at nag-isip. Uuwi ba muna kami ni Julie roon? Natatakot lang kasi ako na baka once na nandoon na ulit kami, bumalik kay Julie yung mga pangit na ala-ala namin. I'm worried more for herself, not mine. Inaalala ko lang yung posibleng idulot sa kaniya kung sakaling bumalik na kami roon.

Kaya kailangan ko muna siyang makausap. Sasabihin ko na rin na gusto siyang makita ng Mama niya.

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Sa sobrang gulat ko ay nasampal ko ang lalaking nasa harap ko.

"Ga..." Felip's confused face is in front of me. Gago, nasampal ko siya?

"Ga, sorry!" taranta kong saad tsaka pinaupo siya sa harap ko. Lumuhod ako tsaka hinawakan ang mukha at pisngi niyang dinapuan ng palad ko. "Ken, sorry... Di ko sinasadya." sambit ko.

Wala siyang imik at nakatingin lang sa akin. Nagtataka pa rin kung bakit bigla ko siyang nasampal.

"Ikaw naman kasi eh, ba't bigla mo nalang akong hinahalikan?" saad ko. I gently caresser his cheek. "Masakit ba?" mahina kong tanong.

"M-Medyo," aniya tsaka umiwas ng tingin sa akin.

Napalunok ako bago umupo nalang ulit. Inabot ko ang kamay niya tsaka iyon hinawakan.

"Sorry, 'ga," I said again.

"Hindi mo ba napansin yung pagpasok ko?" tanong niya tsaka ako tinignan. Umiling naman ako. Hindi ko talaga siya napansin kaya nga nagulat ako. "Gaano ba kalalim yung iniisip mo at hindi mo ako napansin? Umaga pa lang, Ky, parang nasstress ka na." aniya.

"Sorry," paghingi ko nalang ulit ng pasensya. I leaned closer to him and kissed the side of his cheek where my palm landed earlier.

"Ouch, ang sakit pa nga." daing niya tsaka inilayo pa ng kaunti ang mukha niya.

I felt more guilty.

"Sorry," I said, my voice almost a whisper. Hindi ko alam na malakas pala yung pagkakasampal ko. I didn't really mean it.

"Dito oh, ang sakit grabe," aniya tsaka itinuro yung sa may gilid ng labi niya.

My brows furrowed a bit but just shrugged it off and leaned again. Dadampian ko na sana ulit ng halik yung itinuro niya kaya lang ay bigla niya akong hinarap dahilan para labi niya ang mahalikan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Naramdaman kong ipinaikot niya ang isang braso niya sa may beywang ko at hinila ako paupo sa kandungan niya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon