CHAPTER 8

608 29 19
                                    

"Ano?! Ba't wala pang almusal dito?!"

"T-Tulog pa po si ate... T-Tsaka, n-naramdaman ko po, mainit po siya. Nilalagnat si ate, P-Papa..."

Awtomatiko akong napamulat nang marinig ko ang umiiyak na boses ng kapatid ko.

Shit, si Julie!

Dali-dali akong bumangon sa pagkakahiga at napadaing nalang ako nang maramdaman kong masakit ang ulo ko. Pinakiramdaman ko sandali ang sarili ko at napagtanto kong nanghihina ang katawan ko ngayon, parang ang bigat kumilos. Naramdaman ko rin ang mainit na temperatura ng katawan ko.

Tangina naman, ngayon pa talaga ako nagkasakit.

"Wala akong pakialam! Gisingin mo na yung kapatid mo at magluto na kamo siya ng almusal! Di ko na kasalanan kung nilalagnat 'yon!"

Nang marinig ko ulit ang boses ni Papa ay hindi ko na inisip pa yung nararamdaman ko ngayon at agad nang tumayo.

Bubuksan ko palang sana ang pinto ng kwarto pero nauna na 'yong bumukas at pumasok si Julie.

Yumakap ito nang mahigpit sa beywang ko habang umiiyak. Hinawakan ko na man ang ulo niya tsaka hinaplos ang buhok niya.

"A-Ate..." umiiyak niyang saad.

Ramdam ko ang panginginig niya kaya naawa ako. Alam kong natatakot siya kay Papa.

"Shh, tahan na, Jo. Dito ka nalang sa loob. Magluluto na ako ng almusal." mahinang sambit ko sakaniya.

Umiling ito tsaka ako tiningala.

"D-Dito ka nalang, ate... Galit si Papa, baka saktan ka na naman niya." nag-aalala at natatakot niyang saad.

I forced a smile before wiping her tears.

"Hindi 'yan." sabi ko sakaniya.

Mahigpit pa rin ang yakap niya sa akin habang umiiyak kaya naman pinaupo ko na muna siya sa higaan. Ibinilin ko rin na doon muna siya, na tumahan na siya at kumalma dahil may pasok pa siya mamaya.

Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Agad na bumungad sa akin si Papa at kagaya nalang ng parati, bumungad na naman siya sa aking galit.

"Magluto ka na nga ng almusal! Anong oras na, natutulog ka pa! Hindi ka buhay prinsesa!" bulyaw nito sa akin.

Blangko ko lang siyang tinignan bago nilagpasan.

Pupunta na sana ako sa kusina nang may biglang dumating.

"Magandang umaga..."

Napatingin ako kay Felip nang dumating ito. Bukas ang pintuan at doon siya nakatayo ngayon.

Nagpilit nalang ako ng ngiti bago lumapit sakaniya.

"Wrong timing. Balik ka nalang ulit mamaya. Nakakahiya nang makita mo kami ritong palaging ganito." mahinang sambit ko sakaniya.

Napahawak ako sa pintuan nang makaramdam ulit ako ng panghihina.

"Ano? Hindi," ani Felip tsaka tinignan ako.

"Ano pang nilalandi niyo diyang dalawa? Kylie, magluto ka na!"

Nagulat ako nang sumigaw ulit si Papa. Binigyan ko nalang si Felip ng tingin na parang pinapaalis na siya bago ko siya tinalikuran.

Nakakahiya na.

"Ky, let me help you. Ako na rito, ikaw nang umasikaso sa kapatid mo."

Sumunod pala si Felip at hindi umalis kaya naman ngayong nasa kusina na kami ay nakasunod siya sa akin.

Hindi ako nakinig.

Naghahanap ako ng gagamitin ko sa pagluluto nang bigla akong hawakan ni Felip.

"Ako na—Nilalagnat ka..."

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon