KYLIE's POV
"Magaling ka na po, ate ko?"
Naghahain na ako sa hapag ng almusal namin nang marinig ko ang boses ng kapatid ko.
Tumingin ako kay Julie na siyang kakagising lang. Ngumiti ako bago tumango sakaniya.
"Oo, magaling na si ate." masayang saad ko sakaniya.
Maya-maya ay bigla siyang yumakap sa akin kaya niyakap ko nalang din siya pabalik.
"Mabuti nalang po talaga nandito si kuya Felip kahapon. Naalagaan ka niya..." sambit niya.
Ngumiti lang ako.
Totoo naman.
Anong oras na nga kagabi nakauwi si Felip sakanila dahil buong araw ay nandito siya. Nagbabantay at nag-aalaga sa akin. Siya ang gumawa ng mga dapat ginagawa ko kahapon.
"Ate, labas tayo mamaya pagkagaling mo sa work mo. Isama natin si kuya Felip." Julie suggested.
Napaisip naman ako saglit.
Kung nandito pa si Felip at hindi pa siya aalis, bakit hindi?
"Sige, tignan natin kung nandito pa si kuya Felip mo, ha." sabi ko kay Jo.
Tumango ito sa akin habang nakangiti.
But now, balik na ulit ako sa dati dahil magaling naman na ako. Thanks to my ex.
Gising na rin si Papa pero hindi pa siya kumain ng almusal at lumabas muna ulit.
As usual, kami lagi ni Julie ang sabay na kumakain. Papasok na rin kaagad ako ngayon sa trabaho. Sayang naman kung hindi dahil mababawas na naman 'yon sa sweldo ko.
Paalis na kami at hinihintay ko nalang si Julie dahil sinusuot niya pa yung sapatos niya nang biglang may kumatok sa pinto. I automatically looked at the door's direction where a man suddenly entered.
"Fel— R-Ronnie..." ani ko.
Oh... I was expecting for Felip to come.
"Morning, babes." aniya tsaka ngumiti at lumapit sa akin.
"Kasama mo na Mama mo? Anong oras kayong dumating kahapon?" pagtatanong ko sakaniya.
Nawala kasi siya ng ilang araw. Nasabi naman niya iyon sakin dahil sinundo niya sa Maynila yung Mama niya.
"Ah, oo. Gabi na kami dumating kaya gustuhin ko mang pumunta pa rito, baka makaistorbo lang ako." sagot niya. Tinignan niya kami ng kapatid ko, "Paalis na kayo? Tara, hatid ko na ulit kayo ni Julie." sambit niya.
Ngumiti lang ako tsaka maliit na tumango.
Nang tapos nang ayusin ni Jo yung sapatos niya ay agad na rin kaming umalis.
Nasa labas na kami naglalakad nang may makasalubong naman kaming pamilyar na tao. Si Felip.
I unconsciously smiled upon seeing him.
"Ky, Julie, goodmorning." he greeted us with a smile. Alam kong nakangiti siya dahil kita ko iyon sa mga mata niya kahit na may suot siyang mask. "Sorry, napasarap tulog ko. Mabuti naabutan ko pa kayo." sabi niya.
Nakatingin lang ako sakaniya nang may ngiti sa labi.
"Tara, samahan ko na kayo." aniya.
Tumango lang ako.
Bale siya ang katabi ko at si Julie, napapagitnaan nila akong dalawa. At si Ronnie naman na biglang natahimik ay ang isa pang katabi ni Julie.
Sinabayan na kami ni Felip na maglakad kaya naman pasimple akong humawak sa braso niya dahilan para mapatingin siya sa akin bigla.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...