CHAPTER 25

827 25 4
                                    

"Ayan, ang pogi pogi mo na naman..." mahina kong saad pagkatapos kong ayusin yung bahagyang nagulong buhok ni Felip.

Naayusan na kasi siya't lahat-lahat pero kanina ay parang hindi naman siya mapakali sa ayos ng buhok niya kaya medyo nagulo, kaya ngayon ay ako nalang ang nag-ayos. Baka mapagalitan pa siya ng hair stylist nila eh.

Tumawa si Felip nang mahina bago tinignan ang sarili niya sa cellphone niya.

"Dito ka sa salamin tumingin para maayos mong makita." sabi ko sakaniya. Nasa harap lang naman kasi namin yung salamin, hindi pa siya roon tumingin.

Abala lahat ng tao rito sa dressing room nila. Nakabihis na silang lima at naayusan na rin. Naghihintay nalang ulit sila na tawagin pag magsisimula na raw yung show.

Tinignan ko na rin ang sarili ko sa salamin. Huminga ako nang malalim bago inilagay ang buhok ko sa likod. Nakalugay lang ako. Nakalimutan ko pa yung pangtali ko sa buhok.

"Ky, may dala kang panyo?"

Napatingin ako kay Felip nang magsalita siya. Agad naman akong umiling. "Wala, bakit?" ani ko. "Kailangan mo ba?" tanong ko rin.

Umiling siya bago umalis sa harap ko kaya hinayaan ko nalang.

Napansin ko si Justin na nakaupo sa kabilang upuan. Nakaharap din siya sa salamin. Mukhang malalim ang iniisip niya habang nakatitig sa cellphone niya.

"Justin, okay ka lang?" I suddenly asked.

Napatingin siya sa akin at tsaka lang siya nabalik sa ulirat nang magtanong ako.

"Ah, oo, okay lang ako," sabi niya at umayos ng upo.

Tumango nalang ako at ngumiti sakaniya. "Ky," agad akong napalingon kay Felip nang tawagin niya ako. Bumalik na siya at lumapit siya sa akin nang may dalang tissue. "Di mo naman sinabing naiinitan ka na pala." aniya habang pinupunasan ang gilid ng mukha ko ng tissue.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

Hindi ko naman napansin na pinagpapawisan na pala ako dahil nakatutok lang naman ako sakaniya kanina pa.

"Ang sweet mo naman, Ken Suson..."

Agad kong kinuha kay Felip ang tissue dahilan para matigil siya sa ginagawa niya. Iniwas ko ang sarili ko sa kanilang dalawa.

Awit naman kasi si Ken. Basta-basta nalang gaganon eh  alam naman niyang marami kami rito. Nakita pa tuloy ni Justin 'yon.

Nakangiti akong napapalakpak pagkatapos ng performance ng SB19.

"Ang galing nila." tuwang-tuwa kong sabi ko kay Jade na nasa tabi ko.

Nakangiti naman siyang tumango bilang pagsang-ayon sa akin. "First time mo 'to mapanood sila ng live?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang pagsagot. "There are more performances to come, Kylie. Lagi mo na sila mapapanood lalo na't PA ka ni Ken." sabi niya sa akin.

Oo, tama siya.

Unang araw ko palang ngayon pero nasisiyahan na agad ako sa trabaho ko. It's fun and enjoying.

Hindi naman ako nagkamali dahil sa paglipas ng mga araw at linggo, kahit na walang schedule sina Felip, nakikita ko pa rin yung mga ginagawa nila. Their preparations for what they do, yung mga pagpaplano nila, rehearsals, nakikita ko iyon sakanila.

Sa ngayon ay nandito kami sa company nila. Pumunta kami rito dahil pinatawag daw sila ng boss at manager nila. Nagmemeeting sila ngayon.

Nandito ako ngayon sa loob ng studio nila rito. Dito nalang muna ako nagpaiwan muna.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon