CHAPTER 42

1K 31 17
                                    

⚠️🔞😋

KYLIE's POV

"Oh, ano 'yan? Nagpipills ka?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Tita sa likod.

I immediately swallowed the pill before facing her, feeling a bit embarassed now.

"O-Opo," mahina kong sagot habang hindi makatingin nang diretso sa kaniya.

Maya-maya ay narinig ko ang mahinang pagtawa niya saka marahang pagtapik sa balikat ko.

"Wag kang mahiya, okay lang. Mabuti nga nagpipills ka, hindi mo hinahayaang mabuntis ka agad." aniya tsaka nagsalin ng orange juice sa baso niya. Uminom siya ng kaunti bago bumaling ulit sakin at nagsalita. "Ang plano niyo ba, magpapakasal muna kayo talaga tsaka kayo bubuo ng pamilya?" tanong niya sa akin.

Bigla naman akong napaisip.

Well, I really want to marry Felip. I really do. Pero may isang bagay lang talaga akong iniisip na minsan nang bumabagabag sa akin kapag napag-uusapan ang pagbuo ng pamilya.

"Tita," saglit kong saad. Tumingin ako kay Tita. Tahimik lang siyang naghihintay sa sasabihin ko kaya napabuntong hininga naman ako bago muling nagsalita. "Tita, pagiging selfish ba kung ayaw kong magkaroon ng anak?" tanong ko.

Napako ang tingin sa akin ni Tita. Hindi ko pa naman alam kung tamang oras ba 'to para pag-usapan dahil hindi ko pa naman iyon naopen sa kung kahit na kanino. Lalong-lalo na kay Felip.

"Kylie, choice mo kung mag-aanak ka o hindi."

Napatitig ako kay Tita nang sabihin niya iyon.

"Katawan mo 'yan. Ikaw ang magdedesisyon para sa sarili mo at hindi ang ibang tao." sabi pa niya.

Tama naman ang sinabi niya. Choice ko 'yon. Pero ewan ko ba. Hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung ayaw ko lang talagang magka-anak o natatakot lang ako na baka hindi ako maging mabuting magulang at hindi ko magampanan yung mga magiging responsibilidad ko na naman kung sakali.

"Bakit nga pala? Napag-usapan niyo na ba 'yan ng boyfriend mo? Hindi ba kayo magkasundo?" may pag-aalalang tanong ni Tita. Umiling ako bilang sagot. Bumuntong hininga si Tita bago muling nagsalita. "Advice ko lang, ha. Bago kayo mag-settle, linawin mo yung tungkol dyan sa kaniya. Sabihin mo yung rason kung bakit ayaw mo. Hindi yung kung kailan kasal na kayo at balak na niyang magkaroon kayo ng anak, tsaka kayo mag-aaway kasi may hindi kayo mapagkasunduan." payo niya sa akin.

Kapag once sinabi ko na iyon kay Felip, ano kayang magiging reaksyon niya? Will he be mad? O baka naman biglang mag-iba na yung mga plano niyang kasama ako.

He's been vocal to me about us building our own family soon. Pero ako laging natatahimik kapag nasa ganong sitwasyon kami dahil hindi ko magawang sabihin sakaniya kung ano ang nasa isip ko.

And speaking of Felip, ibinalita niya sa akin na ikakasal na si ate Kelly at magkakaanak na.

"Pakisabi, congrats." sabi ko habang kausap siya sa cellphone. Tumawag kasi siya.

"Will do, langga." his soft voice said on the other line. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit. "May isa pa pala akong sasabihin, Ky. I can't come home today. May pupuntahan kami tsaka aasikasuhin. Is it okay kung bukas nalang ako umuwi?" tanong niya sa akin.

"Oo naman." agad kong sagot. "Okay lang. Unahin mo muna yung dyan sainyo." sabi ko pa sa kaniya.

"Thank you, 'ga. May gusto ka bang pasalubong? Para mamaya makabili ako pag labas namin ni ate." aniya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon