"Andito na tayo. Feel at home lang kayo." Felip said as he opened the door of his unit.
Nandito na kami sa Manila.
Kagaya ng sinabi niya sa akin, sinama nga niya kami. He payed for our expenses mula kanina sa probinsya namin hanggang dito sa Maynila.
"Ikaw lang ba mag-isa rito?" tanong ko nang makapasok na kami habang nililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng unit niya.
"Well, hindi na ngayon." sagot niya tsaka kami pinaupo ni Julie sa sofa niya.
The place is very nice. Parang komportable siya rito sa condo niya. Well, who wouldn't? Mukhang kompleto ang mga gamit at appliances niya rito na kahit sino ay kakailanganin.
"Wait, magpapadeliver nalang ako ng pagkain para di na 'ko magluto." sabi niya.
Tumango nalang ako.
Malapit na rin namang gumabi, oras para sa hapunan.
I need to adjust here at his place. I should do his chores, everything, para mabawasan ang ginagawa niya at para rin kahit papaano ay makabawi ako sakaniya.
Bumaling ako kay Julie nang isandal niya ang ulo niya sa akin.
"Jo, okay ka lang?" malambing kong tanong tsaka hinawakan nang marahan ang ulo niya.
Hindi siya nagsalita pero tumango lang siya bilang sagot.
Napabuntong hininga nalang ako. Mula nung paggising niya kaninang umaga, hindi siya masyadong nagsasalita. Ang tahi-tahimik niya. Nagsasalita lang siya tuwing may itinatanong kami sakaniya, ang titipid pa ng mga sagot niya. Hindi naman siya ganon.
Kaya naman nag-aalala ako dahil baka hindi pa maalis sa isipan niya yung kagabi.
"Jo, sabihin mo kay ate kung may problema, ah?" marahang sambit ko sakaniya.
Ayoko kasing magtatago siya ng problema sakin, lalo na ngayon. If anything bothers her, I need to know kung ano iyon. Hindi ko siya pwedeng pabayaan.
"Okay na, naka-order na ako ng food. Hintayin nalang natin 'yon," Napatingin ako kay Felip nang magsalita ulit siya. Pagkatapos ay lumapit siya sa amin tsaka niya kinausap si Julie. Bumaba pa siya para lebelan si Julie. "Jo, kain na tayo mamaya, ah. Para makatulog ka agad tsaka makapagpahinga." sabi niya sa kapatid ko.
Kagaya sa akin kanina, tinanguan lang siya ni Julie bilang sagot.
Ngumiti pa rin si Felip nang maliit bago tumayo. At tsaka rin sa wakas nagsalita si Julie kaya pareho kaming napatingin sakaniya.
"H-Hindi po pupunta rito si Papa?" mahina niyang tanong sa amin.
Sandali kaming nagkatinginan ni Felip. At napalunok pa muna ako bago ko siya masagot.
"Hindi, Jo. Hindi niya naman alam kung nasaan tayo eh. Malayo 'to, hindi niya tayo mapupuntahan." paninigurado ko sakaniya.
Alam kong iyon ang inaalala at ikinakatakot niya. So I have to assure her na hindi kami susundan at mapupuntahan dito ni Papa.
"Tama ang ate, Jo..." napatingin ulit ako kay Felip nang muli siyang magsalita. "Tsaka, nandito ako kasama niyo. Babantayan at poprotektahan ko kayo ng ate mo. Promise." sabi niya.
"Thank you, kuya Ken..."
Felip smiled. "Ken na rin tawag mo sakin? Mas maikli noh?" aniya kay Julie.
Tinignan ko na man si Julie nang tumango at ngumiti ito.
Dahil doon ay napangiti na rin ako. Atleast she smiled now.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...