KYLIE's POV
Abala ako sa pagtutupi ng mga damit ko nang makarinig ako ng mga boses na nag-uusap at mukhang nagkakasiyahan sa labas ng kwarto. Napatigil ako sa ginagawa ko at tsaka ako nakinig.
"Kailan ka pa nandito?" rinig kong boses ni Felip.
"Last week lang ako nakauwi. May mga inasikaso pa 'ko kaya ngayon palang kita napuntahan. Kaya sinama ko na rin agad 'tong si Josh." rinig ko namang saad ng isang hindi pamilyar na boses ng isang lalaki.
Kumunot ang noo ko at nagsalubong din ang kilay ko.
Mukhang may bisita si Felip...
Hahayaan ko nalang muna sana iyon kaso maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng kwarto. Tatlong katok bago iyon bumukas ng kaunti at nakita ko si Felip na sumilip dito sa loob.
"Ky, come here. May bisita tayo." nakangiti niyang sambit.
Kami? May bisita kami?
Nagtataka man ay itinigil ko na muna ang ginagawa ko tsaka sumunod sa kaniya. Lumabas na ako ng kwarto at agad namang hinawakan ni Felip ang kamay ko.
Nakita ko ang dalawang lalaki na kasalukuyang nakaupo sa sofa sa sala. Pero napatayo sila nang makita kami.
"Here she is, kuya Mav, Josh... Si Kylie, girlfriend ko." pagpapakilala sa akin ni Felip doon sa dalawang lalaking bisita niya.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi ni Felip.
"Nice to finally meet you, Kylie. Maverick here, pero kuya Mav nalang din itawag mo sakin." nakangiting sambit nung isang lalaking matangkad na maputi. He extended his arms kaya agad ko iyong tinanggap.
"Kuya Mav..." pagbanggit ko sa pangalan niya.
Tumango naman siya tsaka tumingin sa lalaking katabi niya. "Ito si Joshuel," turo niya.
Nakangiti namang kumaway nang maliit sa akin yung Joshuel kaya nginitian ko siya pabalik.
"Ga, bestfriends ko sila." sabi ni Felip matapos kong makilala yung dalawang lalaki, na matatalik niya palang kaibigan.
"Pumunta kami rito kasi gusto naming ayain lumabas sana si Ken," sabi ni kuya Mav.
"Oh, isasama ko 'to si Ky." ani naman ni Felip kaya mabilis ko siyang tinignan at inilingan.
"Kahit hindi na. Bonding niyo pala eh, dito nalang ako." sabi ko.
"Ah, hindi. Okay lang din na kasama ka, Kylie." sabi ni Joshuel.
Nag-aalangan naman akong napatingin sa kanila. Gala kasi nilang tatlo eh tapos sasama pa ako.
"Please, Ky?"
Nilingon ko si Felip na ngayon ay maamong nakatingin sa akin. Hinawakan at mahina niya pang pinisil ang kamay ko kaya napabuntong hininga nalang ako bago tumango.
"S-Sige na nga." saad ko.
Hindi talaga ako maka-hindi pagdating sa kaniya.
Nang tignan ko ulit yung dalawang kaibigan niya, nakita kong nakangiti lang din silang nakatingin sa aming dalawa ni Felip na parang natutuwa sila sa amin.
Maya-maya ay nakita ko nalang ang sarili ko na kasama nilang tatlo magkakaibigan. Hindi bumibitaw si Felip sa kamay naming kanina pa magkahawak.
Gabi na, alas otso na ata. Hindi kami gumagala ni Felip nang ganitong oras dahil kung hindi kami nasa condo ay nandoon pa kami sa studio nila o sa kung saan man ang ganap nila na inaabot na ng gabi. This is my first time.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...