CHAPTER 37

726 22 0
                                    

"Oh, Kylie, ba't nandito kayo? Nandoon si Ken sa loob ah."

Napaangat ako ng tingin sa isang staff na lumapit sa akin. Umayos ako ng upo ko bago sumagot.

"Ah, hihintayin nalang namin siya rito. Dito nalang kami." sabi ko.

Wala naman na siyang sinabi pa at tumango nalang. Umalis din naman kaagad siya dahil may gagawin pa siya.

Nandito kami sa company nila. Kasama ko ngayon si Julie. Biyernes kasi ngayon. Ako ang sumundo sa kaniya sa school at dumiretso muna kami rito dahil nandito si Felip.

"Jo, dito ka lang ah. Hintayin mo 'ko, punta lang ako sa CR." sabi ko kay Julie. Tumango lang siya at tinuon ang atensiyon sa cellphone na hawak niya.

Agad naman akong umalis at pumunta sa restroom. Inilapag ko ang maliit kong bag sa sink at pinagmasdan ang mukha ko sa harap ng salamin. Nilabas ko ang ilang gamit ko roon bago ko inayos ang sarili ko.

Sinuklay ko ang buhok ko. I put on my face powder and my liptint. Nag-ayos muna ako.

Ewan ko ba. May times ngayon na nacoconscious ako sa itsura ko kaya madalas akong humaharap sa salamin para ayusin ang itsura ko. Paglabas ko at pagbalik sa kung nasaan si Julie ay wala pa rin si Felip kaya napagdesisyunan kong puntahan muna siya roon sa studio nila rito.

Pero habang naglalakad ako papunta roon ay nakasalubong ko naman ang taong iniiwasan ko kapag napupunta ako rito.

"It's you again." sabi ni Ainna sa akin tsaka nakapameywang na humarang sa dadaanan ko.

"Excuse me." sabi ko nalang at akmang dadaan sa gilid pero mabilis na naman siyang humarang kaya napatigil ako.

She sighed before looking around. Nang mapansin niyang kami lang ang nandito ay nagsalita ulit siya.

"PA ka pa rin ni Ken?" tanong niya.

Napaangat naman ang isa kong kilay. Ba't naman tinatanong niya iyon?

"Malamang." sagot ko. Ano naman kasing gagawin ko pa rito kung hindi.

"Right, PA. Asisstant. 'Yun lang naman papel mo sa buhay niya, diba?" aniya. Humakbang siya palapit sa akin tsaka sinuri ang mukha ko. "Nagpaganda ka pa. For what? Para mas lalong akitin si Ken? Huh, hindi naman kayo bagay..." sabi niya.

Hindi ko na alam kung pang ilang beses ko na 'yong narinig mula sa kaniya.

Kapag nagkikita kami rito sa kumpanya nila, gusto ko mang hindi nalang sumama kay Felip pero hindi pwede. Hindi ko na talaga maiwasan ang pagkakataong ito sa nagdaang mga buwan.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Gusto mo kay Ken mo pa diretsong sabihin 'yan. Baka sakaling biglang maniwala siya sa'yo tapos hiwalayan na niya ako. Tutal iyon naman ang gusto mo." seryoso't blangko kong sambit sa kaniya.

Napahugot siya ng hininga bago ako tinaasan ng kilay.

"Pero mas maganda kung ikaw ang mawawala. Bumalik ka nalang sa probinsiya. Tutal doon ka nababagay, hindi rito, hindi sa kaniya." sabi niya.

Maliit naman akong napangisi.

"Sana alam mong taga probinsiya rin noon yung taong gusto mo pero hindi mo nga lang makuha kasi may mahal nang iba." sabi ko sa kaniya.

Alam kong hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig ko. Kita ko iyon sa ekspresyon ng mukha niya.

"Kahit na wala ako rito, wala namang ibang magugustuhang iba si Felip. Kahit na ikaw. Sa ugali mo ba namang 'yan... Malayong-malayo nga sakin." pang-iinis ko pa.

Nakangisi na ako sa isipan ko ngayong nakikita ko ang naiinis niyang pagmumukha.

Hindi na siya nakasagot kaya naman nilampasan ko na siya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon