CHAPTER 6

619 25 1
                                    

"Jo, bilis na. Aalis na tayo." tawag ko sa kapatid ko habang inaayos ko ang laman ng bag ko.

Papasok na 'ko sa trabaho tapos si Julie naman, papasok na sa eskwelahan. Sabay na kaming umaalis minsan, pero madalas ay nauuna siya dahil maaga ang pasok nila.

Nang sa wakas ay lumabas na si Julie ay di na rin kami nag-aksaya pa ng minuto. Wala si Papa, umalis kani-kanina lang.

"Kuya Felip!"

Nagulat ako nang makita ko si Felip sa labas ng bahay namin. Nandito na naman siya?

Felip smiled when he saw us. Nakipag-apir din siya kay Julie na agad siyang nilapitan.

"Laki mo na ah." sabi niya sa kapatid ko. "Siguro may crush ka na school?" pang-aasar niya.

"Hala, kuya, wala po!" agad na tanggi naman ni Julie.

Tumawa lang ng mahina si Felip bago tumingin sakin. Walang reaksiyon ko naman siyang tinignan.

"Hatid ko na kayo. Diba malapit lang dito yung pinagtatrabahuhan mo?" sambit niya.

"Paano mo nalaman?" tanong ko sakaniya.

Naglakad na rin kami. Hinayaan ko nalang siyang sumama sa amin ni Julie. Wala naman akong magagawa kung gusto niyang sumama. Hindi ko na siya paaalisin dahil alam kong aalis at aalis din siya. Ilang araw nalang naman na siya ritp. Pagkatapos no'n ay balik na ulit sa dati. Sinuot niya muna ang mask niya nang umalis kami.

"Kuya Felip, lagi na ba ulit tayong ganito nila ate? Sasamahan mo na po ba ulit kami tuwing umaga tsaka pag pauwi na si ate ko?" inosenteng tanong ni Julie maya-maya habang naglalakad kami.

Naramdaman kong tumingin sa akin si Felip pero ay sa unahan lang ang tingin, kuwaring walang pakialam.

"Kung gusto ng ate mo, oo." sabi niya.

Hindi ako umimik at isinawalang bahala nalang ang sinabing iyon ni Felip. Pero humawak naman si Julie sa braso ko at mahinang niyugyog iyon kaya napatingin ako sakaniya.

"Ate, diba pwede naman?" pagtatanong niya sakin.

Bumuntong hininga ako bago umiling.

"Aalis din siya ulit, Jo." sabi ko sakaniya para hindi siya umasa.

"Pero may ilang araw pa ako rito. We'll spend time together." Felip said.

Hindi nalang ako nagsalita.

Bakit kung magsalita siya, parang obligasyon niya kami? Hindi naman diba?

Alam kong hinihingi niya ang kapatawaran ko pero ganito ba siya mag-sorry?

Well, okay naman. Naaappreciate ko pa rin na hindi niya kinalimutan yung mga tao sa nakaraan niya, kabilang na kami.

Akala ko nag-iba na siya. Nagkamali ako roon base sa ipinapakita niya ngayon at nung mga nakaraang araw. Pero wala eh, hindi ko pa rin siya magawang kaswal na kausapin.

Ni hindi ko nga pala siya nakamusta. Naiilang at nag-aalangan na kasi ako ngayon eh. Apat na taon ko siyang hindi kasama't nakausap.

Panibagong ordinaryong araw na naman sa akin ngayon. Hinatid nga ako ni Felip kanina. Habang nass trabaho at iniisip yung mga ginagawa niya nitong mga nakaraang araw, bigla naman tuloy ako naguilty nang hindi ko alam, hindi ko namamalayan.

Nang matapos na ang trabaho ko, naghihintay sa akin si Ronnie sa labas. Luminga-linga ako dahil baka naroon din si Felip pero wala naman.

"Kain muna tayo bago tayo umuwi." pag-aaya ni Ronnie sa akin.

Agad naman akong tumango at pumayag naman. Agad ko na siyang hinila paalis dahil baka may bigla pang dumating.

I was having deep thoughts. Nadidistract ako ng mga iniisip ko kaya hindi ko namalayan ang oras at ang pagsasalita ni Ronnie sa harap ko.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon