CHAPTER 13

588 26 6
                                    

"Huy, kayong dalawa, tama na. Gabi na oh." nakapameywang kong saad habang pinapanood ang dalawa kong kasama.

Felip is taking a picture of Julie. Si Julie naman, gustong-gusto ang ginagawa ng kuya Felip niya. Nako, mukhang maaadik na 'to sa pictures.

"Last na, Ky. Pagbigyan na natin si Jo." sabi ni Felip sa akin.

I just sighed in defeat. Hinintay ko nalang silang matapos sa picture taking nilang dalawa. Parang sila na nga ang magkapatid ngayon kung titignan. Tuwang-tuwa si Julie sakaniya eh.

But I'm happy. Masaya akong nakikita ko si Julie na masaya at nag-eenjoy. I just want her to enjoy life while she's still a kid. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong mangyayari sa hinaharap.

"Ate, tara na!"

Hindi ko namalayang malayo na naman pala ang iniisip ko kung hindi ako tawagin ni Julie. Agad nalang akong sumunod sakanila.

Pauwi na kami ngayon. Ilang oras din kami nasa labas at ngayon ay gabi na nga.

"Nag-enjoy ka ba, Jo?" maya-maya'y tanong ni Felip kay Julie.

Tumingin ako sakanila at masayang tumango naman si Julie. "Opo, sobra!" saad niya.

"Halata naman," ani ko tsaka napangisi.

"How about you? I hope nag-enjoy ka rin kahit papaano."

Tumingin ako kay Felip at bahagyang napataas ang kilay ko. Hindi na niya kailangan tanungin iyon.

"Syempre naman nag-enjoy ako. Kasama ko kayo eh." sabi ko sakaniya.

As long as I am with them, I am happy. Hindi ko man maipahalata sakaniya kanina pero nag-enjoy ako, masaya ako. Their presence is already enough for me.

Kasama pa namin si Felip dahil gusto niya raw kami iuwi mismo sa bahay namin. Sinabi ko ngang pwede na siyang umuwi sakanila pero nagpumilit siya na ihatid pa kami sa bahay.

Nasa tapat na kami ng bahay namin at alam kong naroon na si Papa dahil bukas na ang ilaw. Ako na ang nagbukas ng pinto para makapasok na kami. Pero nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng bahay ay agad sa aking bumungad ang makalat na sala namin.

Ang linis kong iniwan 'to kanina pero ngayon makalat na.

May tatlong bote ng alak ang nasa lamesita at may mga nagkalat ding upos ng sigarilyo. At si Papa, lasing na nakaupo sa upuan. Nang makita niya ako ay agad niya akong itinuro kaya kinabahan na agad ako.

"Ikaw! Ibalik mo yung kinuha mong pera ko sa kwarto ko!" aniya sa akin.

Kumunot ang noo ko tsaka napalunok bago umiling sakaniya.

"Wala akong kinukuhang pera sa'yo, Pa." mariin kong saad.

Kahit kailan hindi ako humingi ng pera sakaniya. Tapos ngayon bigla niya nalang ako hahanapan ng pera niya kuno na hindi ko man lang alam kung saan nanggaling.

"Sinungaling," aniya tsaka tumayo sa kinauupuan niya.

Napaatras ako ng isang hakbang nang lumapit siya sa akin. Nagulat ako nang kinuha niya ang braso ko at hinila ako. Tsaka ko ulit naramdaman ang mainit niyang palad sa pisngi ko.

Narinig ko naman ang iyak ni Julie at ang boses ni Felip.

Napayuko nalang ako habang napapikit.

"Kylie!" I heared Felip uttered.

"Salbahe kang babae ka. Natututo ka nang magnakaw!"

Alam kong dadapo ulit ang kamay ni Papa sa pisngi ko kaya inihanda ko na ang sarili ko para roon pero lumipas na ang ilang segundo ay wala pa rin akong naramdaman.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon