Kinaumagahan, paggising ko ay natutulog pa rin si Julie sa tabi ko. Her back is facing me. Kagabi pagtulog ko, nakatalikod na siya sakin, hanggang ngayon pala.
Hindi ko na siya nakausap pa kagabi dahil pagbalik ko rito sa bahay ay nakatulog na siya. I've changed my mind. Hindi na muna kami aalis. We will stay, she will. Ito ang gusto niya kaya pagbibigyan ko siya.
I opened my phone and saw Felip's good morning messages. I smiled before calling him. Natuwa ako nang hindi magtagal ay sinagot niya rin iyon.
"Good morning, 'ga," I greeted him while smiling a bit.
"Good morning." he said with his deep husky voice so I concluded that he just got awake also.
"Kakagising mo lang? May sched ba kayo ngayon?" tanong ko sa kaniya. Mahina lang ang boses ko dahil baka magising si Julie ag maistorbo.
"Wala today. Pero aalis ako. I have to go on a meeting, sa Superior. May mga kailangan lang kaming pag-usapan." he said, informing me. "Ikaw? Bakit hindi kayo gumala ni Jo? Para magbati na rin kayo. Go out with her and talk to her." he suggested.
I frowned a bit. "Hindi ako sigurado diyan, 'ga. Now that I've decided to extend our stay, alam ko naman na mas gusto niyang makasama yung mama niya kaysa sakin." sabi ko.
Aaminin ko, medyo nagseselos na ako. Kasi parang dati lang, kami lang dalawa parati ang magkasama. Kung may kailangan siya o gusto siyang gawin, ako ang hinahanap niya. Pero ngayong nandito yung mama niya, naiintindihan ko kung sa ngayon mas gusto niyang sila ang magkasama. I'm just not really used to this...
"Ay, don't worry. Pagbalik niyo rito, gagala tayong tatlo pag wala akong schedule. I got you." he said on the other line.
Hindi nalang muna ako umimik.
Narinig ko ang mahinang yabag ng mga paa niya bago siya ulit nagsalita. "I'll make coffee tapos maliligo na rin ako agad." aniya.
"Mag-almusal ka." paalala ko sa kaniya.
"Hm, mamaya. Papabili nalang ako. Pwede namang kumain habang nagmimeeting. Kami-kami lang naman nandoon." sabi niya.
"Okay." sabi ko nalang. "Sige, mag-kape ka na diyan. Babangon na rin ako," ani ko.
"I love you."
"I love you,"Nagulat ako nang sabay pa kami sa pagbitiw no'n.
Mahina nalang akong tumawa dahil sa kilig bago nagsalita ulit.
"I love you. Babye." mabilis kong sambit at paalam sa kaniya dahil pinatay ko na rin kaagad yung tawag.
Tinignan ko pa muna ulit si Julie sa tabi ko bago ako bumangon at lumabas na ng kwarto. May nakahanda nang almusal sa lamesa at nakita ko rin si Papa.
"Nak, anong oras pala ang alis niyo? Sabihan mo nalang ako para maihatid ko rin kayo," sabi ni Papa.
"Di na muna kami aalis, Pa," sabi ko dahil hindi ko rin siya nasabihan pa kagabi.
"Hm, hindi mo rin matiis kapatid mo..." aniya.
Bahagya nalang akong napatango. "Tsaka, tama naman po siya. Sinabi ko pong ayaw ko sa kaniyang ipagkait yung pagkakataon na meron sila ng nanay niya. Dapat hindi rin naging makitid yung utak ko para di na sana kami umabot pa sa ganito katulad nalang ng nangyari kahapon." sabi ko pa.
"Paano yung nobyo mo? Nasabihan mo na bang hindi muna kayo makakauwi ngayon?" tanong pa ulit ni Papa.
"Opo, naiintindihan naman niya. Walang problema sa kaniya." sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...