CHAPTER 24

825 26 4
                                    

Ngayong araw na magsisimula ang trabaho ko kay Felip. Nasa kwarto niya siya ngayon at nagbibihis habang ako naman ay nasa sala, kaharap si Julie. Nagbibilin lang ako sakaniya. Siya lang kasi ang maiiwan dito sa condo ni Felip dahil hindi naman pwedeng kasama namin siya roon sa pupuntahan namin.

"Itong cellphone ko, iiwan ko 'to sa'yo. Kapag may oras hihiramin ko nalang yung phone ni kuya Felip mo at magtetext ako rito sa'yo, ha." sabi ko kay Julie tsaka ibinigay na sakaniya ang cellphone ko. "Tsaka may mga pagkain naman na rito. Yung tanghalian mo, okay na, tsaka may snacks naman tayong binili nung nag-grocery tayo diba? Hindi ka naman magugutom dito. Tsaka yung dinner, nandito naman na kami no'n. Bibili nalang kami mamaya ng pagkain natin, ha." sabi ko pa.

Julie nodded her head as she sit beside me.

Napatingin naman ako kay Felip nang lumabas na siya mula sa kwarto niya nang nakabihis na at mukhang readu na umalis. Napatayo ako tsaka ngumiti sakaniya.

"Aalis na ba tayo?" tanong ko sakaniya.

Tumango siya bilang sagot bago lumapit sa amin.

"Iiwan mo phone mo?" tanong niya sakin nang makita niyang si Julie ang may hawak ng cellphone ko.

"Ah, oo. Para may contact ako sakaniya. Makikihiram nalang ako mamaya sandali ng cellphone mo para matext o matawagan ko siya rito." pahayag ko.

Sandali siyang tumingin sa amin bago tumango. Akala ko ay aalis na kami pero saglit siyang bumalik sa kwarto niya kaya hinintay ko nalang.

Bumaling ulit ako kay Julie tsaka nagsalita. "Pag may nangyari o kahit ano basta emergency, tawagan mo nalang yung number ni kuya Ken mo, ha. May load naman 'yan." sabi ko.

"Copy, ate." she said as she winked at me playfully.

Natawa nalang ako ng mahina. Sus, may pakindat pang nalalaman.

Medyo kampante naman ako ngayon. Ilang oras lang naman na maiiwan dito si Julie. Alam niya naman kung paano maglinis, yung pagkakainan niya mamaya, kaya niya namang hugasan iyon kaya wala akong dapat na ipag-alala masyado.

"Tara na, 'ga."

Agad akong tumango kay Felip nang bumalik na siya. I once again looked at Julie pero tinanguan niya nalang ako habang nakangiti.

"Dito ka lang, ah." huling bilin ko pa sakaniya bago pa kami tuluyang umalis ni Felip.

"Opo," sabi naman niya. "Babye," kumaway siya sa aming dalawa ni Felip.

Mabilisan kong niyakap si Julie bago kami nagpaalam sakaniya. Napabuntong hininga ako nang naglalakad na kami ni Felip sa labas.

Sumakay na kami sa elevator at pagkasara no'n ay biglang kinuha ni Felip ang kamay ko. Nagtataka kong tinignan ang cellphone na nilagay niya sa palad ko. Hindi pamilyar yung cellphone na iyon sakin dahil ang alam kong ginagamit niya ay iPhone.

"Sa'yo na 'yan. Use it at ipagamit mo nalang kay Julie yung phone mo para madali niyong macontact ang isa't isa." sabi niya.

"Sa'yo 'to?" taka kong tanong.

He nodded in response. "Oo, pero hindi ko na ginagamit 'yan ngayon. Hindi ko rin naman 'yan masyadong nagamit before. Samsung 'yan, ineendorse namin 'yang brand na 'yan dati." paliwanag niya.

Tinitigan ko ang cellphone at sinuri iyon. Mukhang hindi nga iyon masyadong gamit dahil parang bago lang.

Maya-maya ay ngumiti ako bago tumingin ulit sakaniya.

"Salamat," sabi ko at tsaka siya mabilis na hinalikan sa labi.

Pagkatapos ay tinignan ko siya. Ngumiti siya nang matamis sa akin dahil sa ginawa ko.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon