KYLIE's POV
"Hindi kaya hinahanap ka ni Ken?"
Napalingon ako sa Mama ni Felip nang magsalita siya. Magkatabi kami ngayon nakaupo habang nasa kabila niya naman si Tito.
"Siya po ang may sabi na puntahan ko kayo rito at samahan. Baka raw po kasi di kayo ganon ka-komportable kasi maraming tao tsaka maingay." sabi ko kay Tita tsaka ngumiti.
May show kasi ngayon ang SB19. Invited sila as performers sa isang brand na iniendorse nila. Nandito sila Tita dahil manonood sila.
Felip told me to be here, to be on his parent's side. Kasama naman niya ako kanina sa dressing room nila dahil inaasikaso ko rin siya kaya ngayon na malapit na silang sumalang sa stage ay pinapunta na niya ako rito.
Sayang wala na rito ang ate ni Felip. Tatlong araw lang dito sa Manila si ate Kelly ay umuwi rin kaagad sa probinsiya. Ito naman sila Tita, bukas na rin uuwi roon. Isang linggo na rin mula nung makauwi sila rito sa Pilipinas.
Nagkaroon naman na sila ng family bonding. Sinulit nila yung oras at panahon na nagkasama-sama na ulit silang pamilya. Nasaksihan ko iyon. Kasama nila ako eh. Hindi ko naramdaman na ibang tao ako dahil alagang-alaga rin ako ng mga magulang ni Felip. They treated me like I'm a part of their family.
"Ang galing talaga ng anak ko,"
Mula sa pagkakatingin sa stage ay napalingon muli ako kay Tita. Proud na proud siyang nakatingin sa entablado kung saan nagpeperform na sina Felip.
Tinignan ko sila ni Tito at parehas lang din ang reaksiyon nila. Hindi nagsalita si Tito pero alam kong proud din siya sa nakikita niyang ginagawa ngayon ng anak niya.
Ngumiti nalang ako bago ibinalik ang tingin sa unahan.
The group performed few of their songs. At ngayon, hinding-hindi mawawala yung hit song nila na talaga namang kumuha sa mga puso ng mga tao. Ako gustong-gusto ko rin yung kantang iyon eh kahit wala naman akong napag-aalayan.
"'Wag mag-alala, ipikit ang 'yong mata, ta'na. Pahinga muna, ako na..."
Sandali akong napapikit nang kantahin ni Felip ang linyang iyon sa kanta nila. Nang muli kong imulat ang mga mata ko, napatingin ako sa kaniya. I saw him looking at his parents beside me. Napangiti nalang ako sa isipan ko.
I looked at his Mom beside me when I heared her sobbed. Marahan ko nalang hinimas ang likod ni Tita kaya napatingin siya sa akin. Ngumiti nalang ako nang maliit.
I know it touched their heart. Lalo na't narinig pa nila iyon mismo mula sa anak nila.
Natapos ang show at dumiretso na kaming umuwi. Hindi na sumama si Felip sa mga kagrupo niya na pupunta pa sa studio nila dahil wala naman siyang naiwang gamit doon.
"Tita, Tito, kakain pa po ba kayo? May pagkain pa naman po rito." sambit ko sa mga magulang ni Felip.
"Hindi na, 'nak. Busog pa kami." ani Tita. "Magpahinga ka na kaya. Magpahinga na kayo ni Ken." sabi niya sa akin.
Magsasalita sana ulit ako kaso naramdaman kong may umakbay sa akin. Napalingon ako kay Felip dahil siya iyon.
"Ma, nakaayos na gamit niyo ni Papa?" tanong niya.
"Nakaayos na. Teka, sigurado ka bang sasama ka pa bukas? Paano si Kylie?"
"Okay lang po ako rito, Tita." sagot ko agad.
Sasama nga pala kasi si Felip bukas sa mga magulang niya. Ihahatid niya sila. Sinubukan niya rin naman akong kumbinsihin na sumama pero ilang beses ko ring tinanggihan.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...