CHAPTER 60

797 19 7
                                    

"Hello, ate Kelly? Napadala ko na yung regalo para sa baby mo. Sorry talaga, ha? Busy si Felip at this time kaya hindi rin kami makakauwi diyan sa probinsya."

Pakarating ko palang ng bahay ay tinawagan ko na agad ang ate ni Felip.

Kahapon kasi ay birthday ng anak niya. At nung isang linggo ay nakabili na rin kami ni Felip ng regalo dahil ang akala namin ay makakauwi kami sa probinsya pero dahil bigla siyang na-busy ay nawalan na ng pagkakataon.

"Naiintindihan namin, Ky. Matutuwa na naman 'tong pamangkin niyo dahil may bagong regalo na namang parating." ani ate Kelly sa kabilang linya.

Ngumiti nalang ako.

The past years, palagi naman kaming nagbibigay ni Felip ng mga regalo sa pamangkin niya, at sa mga inaanak namin. Wala kaming dahilan para maging kuripot. Besides, the kids deserve it all. Mahirap humindi pagdating sa mga bata.

Ate Kelly and I talked more for a moment tungkol sa ipinadala ko. Ako na kasi ang nagpadala no'n pero hinatid naman ako ni Felip kanina. Nag-commute na nga lang ako pauwi dahil may kailangan pa siyang puntahan.

It's been a year when the store he opened started operating. And now, Felip is trying his best to manage his time when it comes to the things he do. May pagkakataon ngayon na minsan may mga schedule siyang solo dahil last month lang din ay may inilabas ulit siyang album niya. And he do guestings and interview to promote it. Kagaya ng sinabi ko, hindi siya nawala sa industriya, hindi sila nawala. Na kahit may ibang pinagkakaabalahan na ay nagagawan pa rin nila ng paraan na gawin yung talagang passion nila.

"Pag-isipan mo na nga 'yon nang mabuti. Kung doon ka muna tutuloy sa kanila, hindi ka pa male-late kasi mas malapit."

"Pero, Tita, parang nakakahiya..."

Bumisita ako kila Tita at nasa sala palang ako ay naririnig ko na ang pag-uusap nilang dalawa ni Julie.

"Hello, anong meron?" nadatnan ko sila sa dining na nag-uusap kaya nagulat sila nang makita ako.

"Ate!" nakangiting saad ni Julie tsaka lumapit sakin at yumakap.

"Oh, Kylie, hindi ka nagsabing bibisita ka. Gusto mo ng meryenda?" akmang tatayo si Tita sa kinauupuan niya pero pinigilan ko na.

"Wag na, Tita. Busog naman ako." sabi ko. "Ano pala pinag-uusapan niyo? Anong meron?" tanong ko nalang sa kanila.

Tita shrugged and looked at Julie beside me. "Tanungin mo nalang 'yang kapatid mo." aniya kaya tumingin naman ako kay Julie.

Jo smiled at me and cling on my arm.

"Itatanong ko lang sana ate kung pwede ba akong mag-stay pansamantala sa bahay niyo. Two weeks lang naman kasi may event kami sa school. Tapos kasama pa ako sa facilitator kaya dapat mapaaga ako." paliwanag niya.

"Oh, ba't di mo nalang dineretso na sabihin agad 'yan sakin? Oo naman, doon ka na muna. Kailan ba 'yon magsisimula? Para maayos ko yung tutulugan mong kwarto." sabi ko naman.

"Sa Monday ang start. Pupunta nalang ako sainyo ng Sunday na umaga, ako nalang din mag-aayos ng kwarto."

"Sige, bahala ka," sabi ko nalang. "Sa susunod, magsabi ka agad. Para ka namang ano dyan," saad ko pa.

Tumawa nalang siya nang mahina tsaka nagpasalamat.

Di kasi nagsasabi agad. Papayag naman kami ng kuya Felip niya na doon muna siya magstay sa bahay. Mamaya ko nalang ipagpapaalam kay Felip yung tungkol doon. Alam ko namang papayag siya.

Pumunta lang talaga ako sa kanila ngayon dahil matagal-tagal na rin nung huli kong bisita sa kanila. Sakto naman na bago ako makaalis ay dumating na rim si Papa dahil may pinuntahan siya kaya nagkaabutan na kami.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon