FELIP's POV
"Napabisita ka? Hindi mo kasama si Kylie?"
Nandito ako ngayon sa bahay ng Tita ni Kylie. Sinadya ko talagang pumunta rito para kausapin nang personal ang Papa niya. Lumuwas na kasi siya rito two years ago dahil wala siyang kasama sa probinsiya. Kylie was the one who insisted that. Iniisip niya lang naman yung tatay niya.
"Nasa school po siya ni Julie, may meeting." I said.
"Ah, oo nga pala," sabi ni Tito.
"Halika, dito ka maupo. Ano bang sadya mo rito?" pagtatanong niya sa akin.
I suddenly get the small box that I bought last time. Ipinakita ko iyon sa Papa ni Kylie. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang laman no'n kaya gulat siyang napatingin sa akin at hindi agad nakapagsalita.
"Pumunta po ako rito para hingin ang kamay ng panganay niyong anak. Magpapaalam lang po ako na magpopropose na po ako sa kaniya. Gusto ko po siyang pakasalan." sambit ko.
I have planned this. Una ko talagang gustong gawin na makausap ang Papa ni Kylie para makapagpaalam sa gagawin kong proposal para sa anak niya.
"Hindi ba't sa kaniya mo na dapat idiretso 'yan?" saad niya.
"For formality lang po. Bilang respeto rin po dahil kayo yung ama ng babaeng papakasalan ko." I said.
Bumuntong hininga ang Papa ni Kylie bago lumapit sa akin. Mahina niyang tinapik ang balikat ko.
"Payag naman ako. Walang dahilan para hadlangan ko kayo sa pagmamahalan niyong dalawa... Basta, gawin mo lang ang gusto mong gawin. Pakasalan mo siya, mahalin mo siya. W-Wag na wag mo lang siyang sasaktan... Wag mo akong gayahin,"
That's the thing I would never do. Kylie went through a lot already. Hindi ko na iyon dadagdagan pa ng hindi maganda.
"Alam kong mahal na mahal mo si Kylie. Kaya kampante ako na sa'yo siya ipagkatiwala." he added.
I slowly nodded and thanked him.
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpaalam na rin ako dahil kailangan ko pang bumalik sa studio.
It's a few days before my concert. I'm planning to propose to Kylie on that day, during my concert. Medyo kinakabahan ako pero mas nangingibabaw yung pagkasabik kong maaya siya ng kasal.
I know she's just patiently waiting for it. Matagal na kami. Halos sampung taon na kaming magkasamang dalawa, kahit na hindi pa man nagiging kami noon. And there I've witnessed how strong of a woman she is. Pinatunayan niya iyon ng maraming beses.
"Just to have your eyes on little me. That'd be mine forever..." kumakanta ako pero tinanggal ko ang suot kong earpods paglabas ko ng kwarto nang makitang seryosong nag-uusap sina Kylie at Julie.
"Mataas naman 'yan, ano ka ba? 'Wag mong ippressure sarili mo." Kylie said.
"Pero, ate, parang ang pangit na tuloy tignan. 'Yan lang nag-iisang line of 8 oh," Julie said while holding her report card, showing it to her ate.
Medyo napakunot naman ang noo ko sa kanilang dalawa. Lumapit ako at tinignan ang card ni Jo. It was impressive. Matataas ang grades niya as usual. It was all line of 9 at may isa lang na line of 8, 87. But it's still high.
"Congrats, Jo. With honors ka na naman." I congratulated her.
"Thank you, kuya..." nakasimangot niyang tugon.
"Ba't nakasimangot?" I asked.
"Nabababaan sa 87." Kylie spoke so I looked at her.
"Oh? Then there's still next time. Tsaka ka bumawi, Jo. Hindi pa naman huli 'yan." sabi ko nang balingan ko si Julie. "Basta don't pressure yourself. Gawin mo yung kung anong kaya mo. Proud na proud naman kami sa'yo no matter what." I told her.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...