CHAPTER 32

930 27 18
                                    

⚠️🔞💦

"Halika, ako na magsusuklay sa'yo." sabi ko kay Julie at pinalapit kaagad siya sakin pagkatapos niyang magbihis ng uniform niya. "Di ka pala kaagad natulog kagabi. Baka mamaya niyan sa school ka pa antukin, ha." pagkausap ko sakaniya habang sinusuklay ko ang buhok niya.

"Eh kasi, ate, excited ako." aniya.

I smiled a little.

She must've been really excited to the new school environment she will enter today. Bagong school, bagong mga kaibigan, kaklase, at teachers ang makikilala niya.

Nakaramdam ako ng parang may tumitingin sa amin kaya napatingin ako sa may pintuan. Naroon si Felip, sumisimsim ng kape na tinimpla ko para sakaniya kanina.

"Ready na driver niyo," aniya habang nakatingin sa amin.

"Wait lang. Nakapag-almusal ka na ba?" tanong ko tsaka kinuha yung headband ni Julie at isinuot iyon sa ulo niya.

"Yes, Ma'am." Felip answered and so I just nodded my head.

Pagkatapos kong asikasuhin si Julie ay gumayak na rin kami.

Dapat ay magcocommute nalang kami ni Julie dahil nga ihahatid ko siya sa school. Pero si Felip ang nag-insist na ipagdadrive niya nalang kami. At since maluwag-luwag naman ang schedule niya sa ngayon ay pumayag nalang ako.

Hindi niya naman kailangang umalis ng maaga ngayon kaya pumayag na akong sumama siya sakin sa paghatid kay Julie.

"Ga, hintayin mo nalang ako rito, ha. Bababa ako. Ihahatid ko lang si Jo sa room niya. Mabilis lang." dire-diretso kong paalam kay Felip nang makarating na kami.

Agad akong bumaba ng sasakyan, sumunod din naman kaagad si Julie.

It's almost 7 AM, mabilis kaming naglakad ni Julie sa loob papunta sa room niya. Nagulat ako nang sumunod pa rin pala si Felip. Tinignan ko nalang siya at hinayaan nalang.

We were in a rush. Buti nalang at malapit lang din ang room ni Julie at madali ko iyong nahanap.

"Dito na room mo. Mamayang hapon kapag uwian na kayo, tumawag o magtext ka sa akin, ha. Nandito sa bag mo yung cellphone. Gamitin mo lang kapag break niyo, baka maconfiscate pa 'yon sa'yo." sabi ko kay Julie habang nasa tapat na kami ng pinto. "Maiiwan ka na namin, ah. Magbehave ka sa klase." bilin ko sakaniya.

"Opo, ate." sabi niya nalang.

"Oh, sige na, pasok ka na." sabi ko sakaniya.

She stepped inside her room. Pero tumingin pa muna siya sa akin bago kumaway ng maliit.

I smiled before waving back at her.

Naghanap na siya ng upuan. Nang maka-upo na siya ay kumaway na ako sa kaniya dahil aalis na rin kami ni Felip.

"Tara na," ani ko kay Felip tsaka tumingin sakaniya.

Naglakad na rin kami paalis. Bumalik na kami sa kung saan niya iniwang naka-park ang sasakyan niya.

"Parang dati lang, noh?" napatingin ako kay Felip nang magsalita siya. He started the car at umandar na rin kami at umalis na. "Sinasamahan kita dati na ihatid si Jo sa school. Kinder palang siya no'n, diba? Time flies fast nga naman. And I'm happy na tayo pa rin ang magkasama, tayo ulit..." he said, reminiscing the past.

Suddenly, nastuck kami sa traffic.

Felip reached for my hand and held it habang nakahinto ang sasakyan. Hinalikan niya ang likod ng palad ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"In the future, anak na natin ihahatid natin sa school." he said.

Napatitig lang ako sakaniya. Hindi na ako nagsalita at ngumiti nalang ng maliit.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon