CHAPTER 33

906 25 18
                                    

"Ahh, out of town? Kailan?" tanong ko kay Felip pagkatapos niyang sabihin sa akin kung anong pinag-usapan nila kanina habang kasama nila nagmeeting ang mga boss at manager nila.

Nandito kami sa studio nila. Parehas lang namin kakabalik. Ako, kakabalik ko lang dahil sinundo ko si Julie sa eskwelahan at sila naman ay pumunta kanina sa company nila.

"Sa Friday." sagot niya sa akin.

Tumango ako tsaka inalok siya ng pizza na binili namin kanina. Tinawag at pinalapit ko na rin si Julie para makapag-meryenda na siya. Sinasama ko na siya rito sa studio tuwing sinusundo ko siya galing school. Pangatlo na ngayong araw. Hindi naman iyon problema sa amin.

"Makakasama ka?" maya-maya ay tinanong ako ni Felip bang tabihan niya ako rito sa couch.

Napatingin ako sa kaniya at itinigil ang pagcecellphone ko dahil nagchecheck lang naman ako roon kung may nagtext ba sa akin habang nagchacharge ako.

"Okay lang kung hindi. Alam ko naman na mas kailangan ka ni Jo." sabi niya nang di agad ako sumagot. Tumingin siya kay Julie na naroon kay Stell at Justin habang pinagkakatuwaan nila si Kuro.

"Sasama ako. Sayang yung ibabayad mo sakin sa trabaho." sabi ko sa kaniya. I have to be with him as his assistant. Ako gagawa ng ibang aasikasuhin niya para makafocus siya sa performance nila.

Hindi na siya umimik tungkol doon at hinayaan nalang ako sa sinabi ko.

Kinagabihan ay kinausap ko naman si Julie habang gumagawa siya ng assignmemt niya.

"Jo, okay lang ba sa'yo kung doon ka muna kay Tita magsstay?" sandali kong tanong sa kaniya dahilan para tumigil din siya saglit sa ginagawa niya at mapatingin sa akin.

"Bakit, ate?" tanong niya rin.

"May out of town ganap kasi sina kuya Ken mo. Syempre kailangan kong sumama kasi PA niya 'ko, diba. Di ka rin naman pwedeng maiwan dito mag-isa kaya naisipan ko na doon ka na muna kay Tita." paliwanag ko sa kaniya.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa amin ni Julie. Pero maya-maya rin ay dahan-dahan na rin siyang tumango.

"Kailan po ba?" tanong niya sa akin.

"Sa Friday. Pero bukas nang hapon, pagsundo ko sa'yo, didiretso na tayo sa bahay ni Tita. Doon na muna kita iiwan. Si Tita muna ang bahala sa'yo." sabi ko sa kaniya.

Tumango nalang siya bilang pagsang-ayon sa akin.

Mabuti nalang talaga at madali lang din siyang kausapin. Kaya pagkatapos ko siyang makausap ay tinawagan ko na rin kaagad si Tita.

Maayos na rin ulit ang koneksiyon namin sa isa't isa. Madalas niya kaming kinakamusta. Kaya nang sabihin ko sa kaniya na sa kaniya ko muna iiwan si Julie bukas ay agad siyang pumayag. Natutuwa pa nga siya dahil makakasama niya rin si Jo.

Sa totoo lang, kung wala akong trabaho kay Felip, ikokonsidera ko na sana yung alok niya sa akin na doon na lang kami ni Jo tumira sa kaniya. Pero sa sitwasyon kasi namin, mas mainam kung nandito ako at kasama ko si Felip.

"Jo, bilis na, baka ma-late ka na naman!" tawag ko kay Julie pagkatapos kong ihanda yung baon niya. Nilagay ko na iyon sa bag niya tsaka ko siya pinasok sa kwarto para tignan kung tapos na ba siyang mag-ayos. "Tara na, anong oras na," sabi ko sa kaniya.

"Aalis na tayo?" Felip asked as he suddenly went out on his room.

Tumango ako sa kaniya. "Oo, malelate na nga 'to eh." saad ko.

Palaging sumasama si Felip sa akin sa paghatid kay Julie sa school. Dahil doon ay palagi na rin siyang maagang gumising kahit na hindi naman maaga ang schedule niya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon