"Teh naman, kanina pa si Ken naghihintay sa'yo. Narinig ko na nga nagrereklamo kanina na ang tagal naman ng meeting niyo ng organizer sa kasal niyo, inaabot ng gabi. Mabuti nalang at nag-live siya ngayon kasama yung ibang members kaya nadistract kahit papaano."
"Sorry," sabi ko kay Jade nang salubungin niya ako sa labas ng studio nina Felip. "Nalowbat kasi yung phone ko kaya hindi ko siya macontact. Charger at powerbank, parehong hindi ko pa nadala." paliwanag ko.
"Padala nalang niyan sa loob. Mag-aayos lang ako. Wag mo muna sabihin na sakin galing at nandito na ako. Susunod nalang ako." bilin ko sa kaniya tsaka binigay sa kaniya yung ilang box ng cupcakes na dala ko, na ginawa ko rin.
"Sige, sige. Bilisan mo nalang ha, sumunod ka agad." sabi niya sa akin.
Tumango nalang ako tsaka kami naglakad papasok. Pagkatapos ay naghiwalay din kaagad kami dahil dumiretso muna akong comfort room para ayusin yung itsura ko.
I immediately went here after I was done making the cupcakes. Ang alam ni Felip, kikitain ko kanina yung magiging wedding organizer namin pero nung isang araw na kami nagkita at nag-usap nang hindi niya nalalaman. I really made this day free para sa kaniya, dahil birthday niya. Besides, it's the first time that I made cupcakes for him dahil ngayon lang talaga ako naging confident sa mga gawa ko. To the point that I already made it as my small business para may sarili rin akong income. To help him saving up for our future.
Nang tapos na akong mag-ayos ay agad din naman akong lumabas ng comfort room. I immediately walked towards their studio.
I smiled as I held the doorknob. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ay naririnig ko na ang mga boses nila. Kaya naman dahan-dahan ko nang pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Sumilip muna ako sa kanila at nakita kong agad nila akong napansin except doon sa celebrant na busy sa live niya.
Oh, gosh, ang dami nila sa loob. Hindi ako nainform.
"Huy, eto na si Kylie!" sabi ni Elle kaya agad namang napatingin sa direksyon ko si Ken nang marinig iyon.
"Ga!" saad nito at napangiti nang makita ako.
Tuluyan na akong pumasok at sinarado ulit ang pintuan. Felip walked towards me leaving his audiences online, napailing nalang ako. Sinalubong namin ang isa't isa ng yakap at pasimple ko naman siyang hinalikan sa pisngi niya.
"Happy birthday." I greeted him, again. Pangatlong beses ko na kasing nagreet siya eh. Kaninang madaling araw pagkasalubong namin sa birthday niya, kaninang umaga pagkatapos naming mag alam niyo na, at pangatlo, ngayon.
"Ang tagal mo," aniya.
"I baked you cupcakes." I said while smiling at him. Humiwalay na kami sa yakap pero hawak-hawak niya ngayon ang kamay ko habang magkaharap kami sa isa't isa.
"Ha? Paano? Diba mineet mo kanina yung—"
I didn't let him finish his sentence at agad ko nang klinaro sa kaniya ang bagay na 'yon.
"Nung isang araw na kami nag-kita. Kanina, doon ako sa bahay ni Tita pumunta para magawa yung cupcakes mo." sabi ko sa kaniya.
"Ba't hindi nalang sa condo? May mga gamit ka naman doon pang-bake." aniya.
"Sira. Edi hindi na 'yon surprise." sabi ko naman.
Bahagya nalang siyang napanguso bago ako inakbayan.
"Tara, mag-hello ka sa live. Naka-live ako,"
"Oo, iniwan mo nga eh," saad ko sa kaniya.
Tumapat kami roon sa cellphone na gamit niya pang live. He made me say hi to his fans and so I greeted them. Pero napalingon din agad sa kaniya nang halikan niya ako sa may sentido. Making the people here inside their studio yelp in delight.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...