"Ilang linggo nang magkasama tayo ulit pero hindi pa kita nakakamusta..." sabi ko kay Felip habang nandito pa rin kami sa sala ng condo niya.
Hours had passed already. Hindi na namin namalayan ang pagtakbo ng oras dahil sa pareho naming gusto na nandito kami ngayon, magkasama at magkausap.
We were talking about life. About our life when we got apart. We were talking about us.
"So, kamusta ka na nga, Ken?" I asked him by calling him by his other name.
A small smile suddenly curved on his lips when he heared what I said.
"I'm fine now," he answered.
"Nung bagong dating ka rito? Kamusta ka noon?" hindi ko mapigilang tanong.
Since nalaman na niya kung anong lagay ko noon, baka okay din kung malalaman ko rin yung sakaniya. Just to be fair.
"Hindi ko alam kung maniniwala ka. Pero yung totoo, I was longing so much for you." sabi niya. Hindi muna ako nagsalita at hinayaan muna siya. "Nagsisisi ako no'n na iniwan kita na hindi man lang ako nagpasabi sa'yo na aalis ako. Sobrang namimiss kita noon." sabi pa niya.
"But then, stupid move yung inunfriend at blinock kita. Akala ko kasi kahit papaano mababawasan yung pagkamiss ko sa'yo pero hindi eh, mas lalo lang akong nangulila sa'yo." dagdag pa niya.
"Pero mabuti nakapagfocus ka pa rin sa pag-abot sa pangarap mo." sabi ko.
"That's because isa ka rin sa mga inspirations ko," sabi niya sa akin. "Nung sumikat kami, sinamantala ko na yung tuloy-tuloy na pagdating ng mga blessings and opportunities sa amin. I have savings for whatever the future will bring me. Yung kinikita ko ngayon, hindi lang 'yon galing sa pagiging idol ko, sa pagiging member ko ng SB19. I also have my own now. Meron na rin akong business, yung clothing line. Hanggang ngayon I'm still working hard for it. And not just that, tinupad ko pa rin yung pangarap nating dalawa, Ky,"
"Pangarap natin? Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong.
I was amazed and I really feel proud now while he's telling me all of that.
He achieved a lot. Wala akong masabi. I'm speechless pero hindi nabawasan no'n ang pagkaproud ko sakaniya.
Nagbaba ang tingin ko nang abutin ni Felip ang kamay ko at hinawakan iyon. Tumayo siya kaya napatayo rin ako. Wala sa sariling sumunod ako sakaniya nang pumasok siya sa kwarto niya.
Pinaupo niya muna ako sa may dulo ng kama niya bago siya may hanapin na kung ano sa drawer niya.
"Nung nagkaayos tayo, ito rin yung gustong-gusto kong sabihin sa'yo pero gusto ko nang magandang timing. I hope I make you proud..." he said as he handed me a brown envelope.
Bahagyang kumunot ang noo ko nang ibigay niya sa akin 'yon.
Nagtataka man ay kinuha ko pa rin iyon at binuksan bago kunin ang kung anong nasa loob.
Bahagya akong napasinghap. Laman ng envelope ay mga mahahalagang papel at dokumento.
"Pinagpatuloy mo yung pag-aaral mo? Architect ka na?" halos maluha-luha ko nang tanong bago tumingala sakaniya dahil nakatayo lang siya sa harapan ko.
Felip didn't say a thing and just nodded his head while smiling at me.
Hindi ko na napigilan ang sarili ako at napatayo na ako bago siya sinunggaban ng mahigpit na yakap. Mabilis ko rin namang naramdaman ang braso niyang pumaikot sa beywang ko.
"Congrats..." bulong ko sakaniya.
Marami akong gustong sabihin sakaniya pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...