CHAPTER 46

724 20 3
                                    

"Sure ka ba sa ginagawa mo, 'ga? Jo, gusto mo dalhin nalang kita sa salon para maganda talaga kalabasan ng gupit mo?"

Asar akong tumingin kay Felip habang hawak ko ang gunting at suklay sa magkabilaang kamay ko. Ginugupitan ko na kasi si Julie kagaya ng sinasabi ko sa kaniya nung nakaraan.

"Hindi ka titigil?" ani ko kay Felip.

"What? Worried lang ako,"

Worried daw pero tumatawa-tawa siya.

"Felip Jhon, sinasabi ko sa'yo, 'wag ka munang maingay, 'wag mo 'kong guguluhin! Pag ito hindi naging pantay, kasalanan mo. Kakalbuhin kita." sabi ko at tinalikuran siya.

Narinig ko lang ang mahinang pagtawa ni Julie sa naging bangayan namin ni Felip. I just focused on what I was doing.

Kung kailan patapos na tsaka talaga nanggulo si Felip.

Dahan-dahan kong ginupit ang buhok ni Julie dahil sinisiguro kong pantay iyon. Matagal ko na 'tong ginagawa kaya. Noon pa man ako na nagbabawas at naggugupit sa buhok ng kapatid ko.

Sinuklay ko ang buhok niya tsaka ginupit ulit yung nakita kong mahaba-haba pa. When I finally got satisfied by the cut ay nagpakawala na ako ng maluwag na hininga.

"Tapos na. Pantay 'yan." sabi ko kay Jo.

Hindi naman sobrang ikli ang pagkakagupit ko, sakto lang. Medyo lagpas pa rin naman sa balikat niya ng kaunti. Binawasan ko lang talaga dahil masyado nang mahaba yung buhok niya.

"Jo, sure ka, ayaw mo ng bangs?" tanong ko kay Julie habang pinagmamasdan siya sa repleksiyon niya sa salamin. She's checking out her new cutted hair. Mabilis na iling ang naging sagot naman niya sa akin. "Ayoko, ate. Ayoko na." aniya na para natatakot na ewan.

"Bakit?" nakasimangot kong tanong.

"Ate, hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan yung naging kalabasan ng bangs ko dati. Dinaig ko pa roon si Dora..."

Dahil sa sinabi ni Julie ay narinig ko ang malakas na paghagalpak ng tawa ni Felip. Kaya naman napatingin ako sa kaniya at nakita ko siyang tawang-tawa at pumapadyak pa ang paa niya sa sahig sa sobrang tawa niya.

Nakapameywang akong nakatingin sa kaniya habang masama na ang tingin.

"Tawang-tawa, ah. Saya ka?" saad ko.

"Ga," he paused and laughed again. "Grabe naman... Yung mga pinaggagagawa mo noon!" tumatawang sabi niya.

I just raised a brow at him. I then gave him a death glare bago ko siya tinalikuran at hindi na pinansin. Wawalisin ko na sana yung buhok na nagkalat sa sahig pero naunahan na ako ni Julie kaya hinayaan ko nalang siya.

Natagpuan ng mga mata ko yung gunting na ginamit ko kanina kay Julie. Wala sa sariling dinampot ko iyon. Napangisi nalang ako nang may biglang pumasok sa isip ko.

I turned to Felip who's still laughing. Wow, hindi pa maka-get over. Hindi ko pinahalata na may hawak akong gunting at walang reaksyon at imik na lumapit sa direksyon niya.

Nang nasa likod na niya ako, napatitig nalang ako sa buhok niya. I smirked before getting some strands of hair.

"Tawa pa, Felip Jhon." ani ko tsaka akmang gugupit na pero napansin niya ang paghawak ko sa buhok niya kaya mabilis siyang lumayo sa akin.

"Ga, hindi ka mabiro?!" gulat at hindi makapaniwala niyang sambit. Humawak pa siya sa dibdib niya, animo'y parang gulat na gulat at hindi makapaniwala sa tinangka kong gawin.

"Biro? Hindi nakakatuwa biro mo. Badtrip 'to," sabi ko nalang tsaka siya inirapan.

Hindi ko na siya pinansin at ginawa nalang ang dapat kong gawin. Hindi pa nga pala ako nakakapaglaba kaya iyon na ang ginawa ko para hindi na iyon mas dumami pa at hindi ako matambakan.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon