"Ano? Hindi pumasok? Bakit daw? Ayaw na bang magtrabaho?"
Napamulat ako nang marinig ko ang boses na iyon. Napabalikwas ako ng bangon sa higaan nang magising ako.
Shit, masyado nang maliwanag. Late na ako sa trabaho!
"Masama lang po yung pakiramdam. Hayaan niyo nalang po muna siyang magpahinga."
Rinig ko ang usapan na 'yon nina Papa at Ronnie sa labas ng kwarto.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Pambihira naman, oh. Alas onse na ng tanghali. Literal na tinanghali na ako.
Napabuntong hininga ako. Bukas na ako nito makakapasok. Magtetext nalang ako mamaya sa katrabaho ko at magpapasensya. Sasabihin ko nalang na masama talaga ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok.
"Ikaw naman, anong ginagawa mo rito? Kilala mo pa pala mga tao rito." rinig kong saad ni Papa sa labas kaya naman nakinig muna ako.
"Hindi ko naman po kayong lahat dito makakalimutan. Hindi ko po kakalimutang lumingon sa kung saan ako nanggaling."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng nagsalita.
Si Felip...
Nandito na naman siya? Ano, hindi ba talaga siya aalis at papangatawanan niya yung sinabi niya kaninang hatinggabi?
"Bahala na kayo diyan. Aalis ako." rinig kong sabi ulit ni Papa.
Kinuha ko ang suklay at sinuklay na muna ang buhok ko. Humarap din ako sa salamin para tignan at ayusin ang itsura ko.
Halos umaga na akong nakatulog kanina. Nakalimutan kong may pasok pa nga pala ako sa trabaho.
"Ginagawa niyo rito?" tanong ko sa dalawang lalaking nandito sa bahay paglabas ko ng kwarto namin ni Julie.
"Kylie, babes."
Ngumiti si Ronnie sa akin nang makita ako.
Samantalang napatayo at napatingin naman sa akin si Felip. Pero kalaunan, nang mapagtanto niya kung anong tinawag sakin ni Ronnie ay magkasalubong ang kilay niya itong tinignan.
"Babes?" nagtataka nitong saad.
"Oo, bakit? Iyon ang tawag ko sakaniya." sabi naman ni Ronnie tsaka tinignan din si Felip.
Ronnie knows him. I told him everything before when we became friends. Alam niya kung anong papel ni Felip sa buhay ko, noon.
"Don't call her that. Bawal mo siyang tawagin niyan." sabi ni Felip at naramdaman ko ang inis sa boses niya.
"Bakit ba? Sino ka nalang ba sa buhay niya para pagbawalan ako?" tanong ni Ronnie sakaniya.
"Boyfriend niya 'ko."
"Ex." blangko kong saad tsaka tinapatan silang dalawa.
Una kong hinarap si Felip.
"Ex nalang kita, Felip. Iyon ang itatak mo sa utak mo." pagpapaalala ko sakaniya. "At ano bang ginagawa mo pa rito? Diba ngayon din ang alis niyo?" nagtatakang sambit ko.
"I told you, hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakaayos, Ky." he said.
Tinignan ko lang siya nang ilang segundo bago ko binalingan naman si Ronnie.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito?" nakapameywang kong tanong sakaniya.
"Kanina pa akong nandito, babes. Hindi na kita ginising kasi alam kong antok na antok ka pa. Tsaka, kumain ka na, sasabayan na kita. Bumili ako sa labas ng pagkain." sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...