CHAPTER 35

754 27 12
                                    

KEN's POV

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Kylie na inihahanda na yung babaunin ng kapatid niya. Siya ang nag-aasikaso ng lahat nang kailangan asikasuhin habang si Julie naman ay nagbibihis at nag-aayos dahil may pasok siya sa school.

Naupo muna ako sa sofa sa sala tsaka hinintay silang matapos.

Hindi ganito dati ang condo ko years and months before they came. Noon, tahimik lang dito dahil ako lang naman mag-isa. I would usually stay up late. Late na ako natutulog kaya late na rin nagigising. Pero once na napapaaga ang gising ko, katahimikan lang naman ang nandito sa condo.

But it all changed when I brought them with me here in Manila. Alam kong hindi ganon magiging madali kapag sinama ko sila rito but I just did. Kaya ko naman. Kakayanin ko ang lahat para kay Kylie, para sa taong mahal ko.

For all the years that we've been apart from each other, nung umalis ako sa probinsiya at iniwan siya, walang araw na lumilipas na hindi ko siya iniisip. Iniisip ko kung okay lang ba siya, lalo na't yung Tatay niya ang kasama nila roon. Kylie and Julie's father has no good to them.

Simula pa nung una, magmula noong mahalin ko si Kylie ay ibinibigay ko yung pagmamahal at pag-aalaga na deserve niya. Noon pa man kitang-kita ko na hindi niya iyon nakukuha sa sarili niyang tatay kaya ako na ang nagbigay no'n sa kaniya. I just love her with all my heart. And I'm willing to do anything just to see her happy.

It's been months... Ilang buwan nang nandito sila sa Manila kasama ko. Everything is well so far. Umaayon naman ang tadhana at panahon sa amin.

"Alis na tayo?" tanong ko kay Kylie pagkatapos makababa ni Julie ng sasakyan.

"Teka lang, hintayin muna natin si Jo makapasok sa loob." sabi niya habang nakatingin sa labas, tinitignan ang kapatid niya.

Tumango nalang ako bilang sagot.

Ilang buwan nang ganito ang routine namin and Iu never complained about this kind of set up that we have. Pareho naman kaming masaya. Parang dati lang. Kami pa rin ang magkasama na maghatid sa kapatid niya.

Inaya ko si Kylie na magbreakfast kaya dumaan muna kami sa isang fastfood chain para kumain bago bumalik sa condo.

"Nakausap ko na si Jo. Okay lang daw sa kaniya na doon siya magstay kay Tita every weekdays kapag may pasok siya tapos sa atin naman siya kapag wala, kapag weekends na ganon." she informed me.

Tumango ako.

Kumuha ako ng tissue dahil may kaunting dumi sa bibig niya nung nagsalita siya kaya pinunasan ko iyon.

"Eh si Tita, nasabihan mo na rin ba?" tanong ko naman sa kaniya.

"Oo, okay naman siya doon." sagot niya.

I nodded. That's good then.

May mga araw kasi na nalelate pa rin si Julie sa school tuwing hinahatid namin. May distansya ang school niya sa condo kaya tuwing mabigat ang traffic ay nalelate pa rin minsan.

The days passed by quickly. Abala ako ngayon kumpara sa mga nagdaang buwan dahil sa solo ko. Recently lang ay may nirelease ulit akong kanta. And to promote it, I've been doing some guestings and solo interviews.

And Kylie was with me all the time. Aside sa PA ko siya, talagang nakasuporta siya sa akin. Nakikita at nararamdaman ko iyon.

"Hello, kuya Ken! Congrats po!"

Nandito kami ngayon sa company. Nagkasalubong kami ng isang girl group pa ng company namin at binati nila ako.

Ngumiti ako sa kanila. "Thank you, thank you. Goodluck sainyo ah." sabi ko rin sa kanila.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon