CHAPTER 40

750 21 1
                                    

KEN's POV

"Ayoko na, kayo naman muna." sabi ko kay Kuya Mav bago umalis sa harap nila.

Naupo na muna ako sa upuan sa gilid at pinanood nalang silang maglaro ng bilyar ni Joshuel. Kanina pa kami naglalaro. I usually enjoy when we hang out like this pero ngayon parang hindi.

Tahimik lang akong nakaupo habang pinapanood sila.

Hindi ko talaga magawang mag-enjoy knowing that something is bothering Kylie. Hindi kami magkasama ngayon. Kanina, hinatid ko sila ng kapatid niya roon sa bahay ng Tita nila.

I know she want some space even just for a while kaya hinayaan ko muna siya.

Kylie is one of the strongest woman I know. Alam na alam ko iyon. At alam ko rin na kahit yung pinakamalakas at matatag na tao ay nasasaktan din. I know it hurted her so much to receive hurtful words from other people. Tapos makikita niya pang may tao pang sumisira sa kaniya sa sarili niyang kapatid na wala namang kaalam-alam sa nangyayari sa amin.

I can't believe Ainna is that low. Nagpapakita siya ng motibo sa akin pero kahit na ilang beses pa niyang gawin iyon, hindi ko naman siya papansinin at hinding-hindi ko siya magugustuhan. Well, she's trying to be nice sometimes. But I know it's not really her. She's just trying to show off, to impress someone. Kapag may kailangan siya sa isang tao, magbabait-baitan siya. That's what she is.

I came back to my senses when a finger snapped in front of me. Nagtataka akong napatingin kay kuya Mav na siyang may kagagawan.

"Wala ka sa sarili ah. Nagpaalam ka ba kay Kylie? Baka tinakasan mo siya." sabi niya sa akin.

"Nagpaalam ako." I texted her earlier since biglaan naman nag-aya 'tong mga kaibigan ko na lumabas. "Besides, wala naman siya ngayon sa condo. Kaya okay lang kahit anong oras tayo." sabi ko.

We would go to places even though it's night time. We bond. Minsan nagsstay lang kami sa condo ng isa sa amin kapag hindi namin trip lumabas.

"Oh, nasaan siya?" nagtatakang tanong ni kuya Mav.

"Nandoon siya sa bahay ng Tita niya. Hinatid ko kanina." sagot ko naman.

Tumango lang siya.

Tapos na pala sila maglaro kaya umalis naman ulit kami. Hindi ko dala kotse ko ngayon. Umalis ako sa condo at nagpasundo lang ako kay kuya Mav. Iisang sasakyan lang kami ngayon and kuya Mav is the driver.

"G ba kayo sa bar ngayon?" kuya Mav suddenly asked.

"G," maikling tugon ni Joshuel.

"Ikaw, Ken?"

Niligon ko si kuya Mav bago marahang tumango. "Ge lang." saad ko.

Di naman ako iinom. At sila hindi naman heavy drinker kaya ayos lang sakin. Minsan nagpupunta rin kami sa bar just to chill.

"Something's up... Alam niyo, may napapansin ako kay Kylie." I suddenly talked.

"Ano naman?" tanong ni kuya Mav nang hindi tumitingin sa akin dahil nasa daan ang paningin niya.

Hindi agad ako nagsalita. Natahimik muna ako dahil sa  iniisip ko.

"Gumaganda siya lalo..." I uttered.

Silence.

Ngayon silang dalawa ang natahimik. Pero hindi nagtagal ay bigla silang tumawa nang medyo malakas kaya nagtataka akong napatingin sa kanila.

"You're a simp, man." sabi sakin ni Joshuel habang tumatawa pa rin.

"Pre, alam naming inlove ka. Kaya sige lang, gumanyan ka lang." ani naman ni kuya Mav.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon