CHAPTER 14

617 26 6
                                    

Binuksan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. Saktong ala una na ng madaling araw. Bumuntong hininga ako tsaka tinignan si Julie na natutulog na sa tabi ko habang nakayakap pa rin sa akin. I caressed her hair lightly bago ko inangat ang braso niyang nakayakap sa akin. Dahan-dahan naman akong bumangon at kinuha ang unan ko at ipinalit iyon sa puwesto ko para iyon na ang yakapin ni Julie.

Hindi ako makatulog. Mabuti nalang at si Julie oo.

Plano kong kumuha ng mga damit at ilang mga mahahalagang gamit namin ni Julie roon sa bahay ngayon mismo dahil alam kong tulog na iyon si Papa. Para bukas ay makapaghanap na rin ako ng pwede naming matutuluyan.

Walang ingay akong lumabas ng kwarto. Nagulat ako nang makita ko si Felip sa sala nila habang nag-aayos ng mga personal niyang gamit habang walang pang itaas na damit.

Dahil doon ay nakita ko ang pangangatawan niya. At ang mga tattoo... Teka, wala naman siyang tattoo sa kahit na anong parte ng katawan niya noon ah.

"Ky, ano, kamusta kayo?" he asked as soon as he noticed me.

Lumapit ako sakaniya at hindi na muna nag-abalang sagutin ang tanong niya.

Tinignan ko kung anong ginagawa niya. Nilalagay niya yung mga damit at ibang gamit niya sa isang bag. Dahil doon ay may biglang pumasok sa isip ko.

"A-Aalis ka na?" mahina kong tanong.

Hindi ko alam pero nakaramdam ulit ako ng kirot sa dibdib.

Aalis na ulit siya...

"I'm not going to leave alone." he said and continued what he's doing.

"Ahh, kasama mo ate mo..." sambit ko. Maya-maya ay mas lumapit ako sakaniya. Hinawakan ko ang braso niya dahilan para mapatingin siya sa akin. "Ano, magpapaalam lang sana ako. Aalis muna ako saglit. Kukunin ko lang yung ibang damit at gamit namin ni Julie para—"

"That's good. Hintayin mo 'ko, sasamahan kita. Magbibihis lang ako." saad niya at itinigil muna ang ginagawa niya tsaka siya pumasok sa kwarto niya.

Naghintay ako sakaniya ng ilang sandali.

So this is the last few hours again that we'll spent together dahil mamaya ay aalis na siya.

Nang bumalik si Felip ay nakabihis na siya. Pagkatapos ay sinamahan na niya akong lumabas.

Habang naglalakad kami ay nagsalita ako. "Kukunin ko lang mga gamit namin ni Julie para mamaya, makapaghanap na rin ako ng matutuluyan namin. Nakakahiya naman kasi sa ate mo kung mag-sstay kami sainyo ng matagal." pagkukwento ko.

"No need to do that, Ky. Kukunin mo yung gamit niyo ngayon, mamaya aalis tayo, isasama kita sa Manila. I won't leave you lalo na ngayon. Hindi ko kayang iwan ka, kayo ni Julie."

Napatigil ako sandali sa paglalakad dahil sa narinig.

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Felip na ngayo'y kalmado lang. Calm as he is.

Nagpatuloy siya sa paglalakad niya at pinagmasdan ko lang siya.

Alam kong seryoso siya sa sinabi niya. Hindi 'to oras para magbiro. At dahil sa pabugso-bugso kong nararamdaman ay agad ko siyang sinundan at niyakap mula sa likod kaya siya naman ngayon ang natigilan.

"Hindi ko na alam kung paano kita mababayaran. Ang dami mo nang nagawa at naitulong sa amin. I'll do everything to pay you back soon." I told him.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapulupot sakaniya. Kumawala siya sa yakap ko sandali para harapin ako.

"Hindi mo 'ko kailangang bayaran, Ky." sabi niya sa akin tsaka ako tinitigan. "Just be with my side. Be safe. Be happy. Iyon lang ang gusto ko." dagdag pa niya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon