"Uwi nalang po tayo. Gusto ko na pong umuwi."
Tinitigan ko si Julie habang nag-iisip-isip ako ng pwede kong gawin para man lang makabawi at hindi na siya magtampo sa akin. Hindi kasi ako sanay na ganito kami, na ganito siya sa akin.
"Ah," ani ko tsaka sandaling inilibot ang tingin ko sa paligid. "Ice cream nalang tayo? Tara, ibibili kita." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Mabuti nalang at malapit lang yung 7/11 dito kaya naman doon nalang kami pumunta. May extra pa naman akong pera.
Gusto ko lang talaga bumawi. I really feel bad.
Hinayaan ko si Julie na pumili ng kung anong flavor ng ice cream ang kunin niya. Alam kong paborito niya ang ice cream kaya sana di na siya magtampo.
"Jo, sorry." saad ko pagkalabas namin sa store.
Napatingin naman siya sa akin tsaka tumango pero hindi siya nagsalita.
"Sorry talaga, di kaagad kita pinayagan na makanood nung concert. Mas inuna ko pa yung personal issues ko roon kay kuya Felip mo, kaysa sa'yo na gusto lang naman silang makita." pagpapaliwanag ko sakaniya tsaka bahagyang nagbaba ng tingin.
Mahina lang ang pagkakasabi ko no'n para walang makarinig bukod sa aming dalawa.
I admit it.
Ayokong payagan siya na manood dahil alam kong magpapasama siya sa akin. At ayoko rin namang makita si Felip kaya hindi ko siya pinayagan. Tapos ngayon ito pa yung naging resulta.
"Okay lang po, ate."
Napatingin ulit ako kay Julie nang magsalita na siya sa wakas.
"Namiss ko lang po kasi talaga si kuya Felip. Tsaka, namiss ko rin kayong magkasama na dalawa... Sorry po." she said.
Naiintindihan ko siya.
She was also close to Felip. Noon kasi, he was always there for us. Lagi kaming magkakasama. Lalo na sa tuwing nag-aaway kami ni Papa sa bahay. Si Felip ang laging nandiyan para sa akin, sa amin.
Julie was only a kid back then. Itinuring na niyang kuya talaga si Felip.
"I'm sorry..." naluluha kong paghingi ulit ng tawad sa kapatid ko.
"Ate, okay na po." aniya nang makita ang itsura ko. "Hindi pa naman po ata sila kaagad aalis dito. Baka makita ko po siya dito sa labas bukas o sa susunod na araw." sabi niya tsaka ngumiti.
I stared at her and slowly formed a small smile on my lips.
Mabuti talaga lumaking mabait 'tong si Julie. Iyon ang pinagpapasalamat ko.
Hinawakan ko nalang siya sa balikat tsaka inakbayan at naglakad na. We walked and stroll around while having our ice cream.
Kinamusta ko rin siya sa school niya dahil hindi kami masyado nakakapag-usap tungkol doon nitong mga nakaraang araw. As usual, wala naman akong dapat na ipinag-aalala sa performance niya sa school. Matalino kasi siya.
"Mabuti 'yan... Mag-aral ka lang ng maigi. Para pag college mo, may makukuha kang scholarship." pagpapayo ko sakaniya, kahit na ang tagal pa no'n.
"College? Ang tagal pa nu'n, ate." sabi niya at mahinang tumawa.
"Alam ko." sabi ko at tumingin sakaniya. "Advance lang ako mag-isip minsan. Lalo na pagdating sa'yo. Gusto kong maganda ang future mo. Gusto kong makatapos ka ng pag-aaral." sabi ko sakaniya.
Ayoko kasing matulad siya sa akin na hindi natapos yung pag-aaral. I want her to study hard. I want her to get her college diploma and get her dream job soon.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...