CHAPTER 7

595 30 8
                                    

Pambihira naman oh. Kung kailan wala akong dalang payong, tsaka uulan.

Gabi na at kaka-out ko lang sa trabaho. Kanina pa ngang tanghali umuulan. Hanggang ngayon hindi pa tumitila.

"Kylie, hindi ka pa ba uuwi?"

Nilingon ko ang isa kong katrabaho na siyang lumapit muna sa akin.

Umiling ako sakaniya. "Mamaya, ang lakas ng ulan eh. Tsaka naghihintay din ako ng tricycle." sabi ko sakaniya bilang sagot.

"Mauuna na ako, ha. Ingat ka." sabi niya sa akin.

Tumango nalang ako at bahagyang ngumiti bago siya sinabihan na mag-ingat din.

Umalis na siya. May dala 'yong payong pero hindi ako makakasabay sakaniya iba kami ng daan pauwi.

Luminga-linga naman ulit ako sa paligid. Wala pang dumadaan ulit na tricycle. Kung meron man, may sakay naman.

Awit, malas.

Nilalamig na rin ako. Naulanan kasi ako kaninang tanghali dahil umalis ako sandali habang lunch break ko dahil may pinuntahan ako. Wala akong dalang payong kaya nung umulan nung pabalik na ako rito sa store ay nabasa ako.

Maliligo nalang ako agad mamaya pag-uwi ko.

Nabuhayan ako nang may paparating nang isang tricycle. Itinaas ko na ang kamay ko para parahin iyon. Napahinga ako nang maluwag nang sa wakas at tumigil na iyon sa tapat ko, pero nagulat naman ako nang mag bumabang isang lalaki roon.

"Ky!" ani nito tsaka binuksan ang payong at pinayungan ako para hindi mabasa.

"F-Felip?" medyo gulat ko pang ani.

"Sakay na, dali. Ang lakas ng ulan." sabi nito sa akin at agad akong inalalayan na makasakay sa tricycle.

Gulat pa man ay sumunod nalang ako at sumakay na rin. Sumunod naman kaagad siya kaya ngayon ay tabi kaming dalawa sa loob.

Nandito pa siya?

Kanina kasing umaga ay wala siya, pati na kagabi. Wala siyang paramdam mula kahapon pa kaya ang akala ko ay nakaalis na ulit siya. Tsaka ilang araw na rin, mag-iisang linggo na siyang nandito. Ang bilis...

"Akala ko nakaalis ka na..." mahina kong saad. Hindi ko maiwasang hindi siya tignan.

Naka-jacket ulit siya ngayon na itim pero walang mask kaya naman kitang-kita ko ang maamo niyang mukha.

Umiling siya. "Bukas ang alis ko... Tsaka, hindi na ulit ako aalis nang hindi nagpapaalam." sabi niya tsaka tumingin din sa akin.

Malamlam ko lang siyang tinignan tsaka maliit na ngumiti.

Nanahimik nalang ako at hindi na nagsalita. Pero ngayon ko lang napagtanto na sobrang lapit at dikit pala namin sa isa't isa. Kaya naman umusog pa ako ng kaunti sa gilid dahil baka mabasa ko siya. Medyo nabasa pa naman yung damit ko kanina.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, akmang magbabayad na sana ako sa tricycle driver nang unahan na ako ni Felip.

"Ako na." mahinang sambit niya sa akin. "Bayad po, manong." aniya sa driver.

Nakita kong isang daang piso ang inabot niya bago niya binuksan ang payong na dala niya at bumaba ng tricycle.

Kagaya ng kanina, hinintay at inalalayan niya ulit ako pagkatapos ay mabilis niyang ipinaikot ang braso niya sa balikat ko at hinila ako palapit sakaniya para mapayungan.

"You'll get wet." aniya nang titigan ko siya.

Ano raw? Wet? Ako?

Napaiwas ako ng tingin nang iba ang sumagi sa isip ko. Bastos, Kylie.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon