"Oh, ba't bigla kang natahimik?"
Napalingon ako kay Felip nang mapansin kong bigla siyang tumahimik at tumigil sa pagsasalita.
We're still here at his room. Pero ilang oras na rin ang nakalipas pero andito pa rin ako. Ang dami na nga namin napag-usapan na kung ano, especially about my future work with him.
"Wala, naisip ko lang na mas madalas nila tayong makikitang magkasama, alam kong hindi rin magtatagal, mapapatunayan mo rin sa mga kasama ko na mapagkakatiwalaan ka. Tapos magiging madali na rin para sa'tin na masabi sakanila kung anong meron sa atin." he said after his silence. He's talking about his co-members.
Napatango ako.
Ako naman ang hindi umimik.
Tinignan ko nalang ulit yung mga files na naglalaman ng mga personal niyang bagay na nasa computer niya. Ngayong gabi, ngayon ko lang napakinggan lahat ng kanta nila ng grupo niya. Pati yung mga ilang narelease na niyang solo niya.
Napunta ako sa mga pictures naman niya. Nakita ko yung suot niya sa litrato na may tatak na Superior Son kaya bigla naman akong napaisip.
"Ken?" tawag ko sakaniya habang hindi ko inaalis sa monitor ang tingin ko. Naramdaman ko naman ang presensya niyang lumapit sa akin kaya nagsalita rin ulit agad ako. "Balak mo bang magkaroon ng physical store para rito sa Superior Son mo? Diba mas maganda 'yon? Yung may napupuntahan yung mga tao tapos nandoon lahat ng gawa mo," sambit ko.
"Oo naman, nasa plano ko 'yon, syempre." sagot niya kaagad. "Pero, soon pa 'yon, 'ga. Hintay ka lang. Makakarating tayo roon." sabi niya sa akin.
Tumango ako.
Iniisip ko ngayon na parang planado na ang future niya. He's working hard right now being an idol, an entrepreneur, who knows what he will do next in the future? Siguro tsaka na rin niya ipupursue yung pagiging Architect niya.
Hays, I just know that I'm very proud at him right now. At magmula ngayon, sisiguraduhin kong nakasuporta ako sa mga gusto niyang gawin.
Lumipas ang oras at parang nakakaramdam na ako ng antok. Tahimik akong nahiga sa kama ni Felip at tumingin sa kisame. Maya-maya lang din ay sumunod na rin siyang nahiga at niyakap niya pa ako mula sa gilid.
"Dito ka nalang matulog," he requested.
Nilingon ko naman siya. "Gusto mo?" tanong ko. Mabilis naman siyang tumango kaya ngumiti nalang din ako sakaniya. "Okay." simple kong saad.
"Teka, patayin ko lang yung ilaw." paalam niya tsaka bumangon ulit.
Lumapit siya roon sa switch tsaka pinatay na ang ilaw. The light is dim now right here dahil may lamp shade siyang iniwan niyang nakabukas lang.
Inayos ko na ang pagkakahiga ko. Napatingin din ulit ako sakaniya nang mapansin kong hinubad niya ang pang itaas niyang damit bago nahiga ulit at tumabi sa akin. Ewan ko pero parang may sariling buhay yung mga kamay ko at humawak ako sa dibdib niya. I unconsciously caressed his chest down to his abs.
"Madalas ka bang nasa gym?" tanong ko.
"No. Minsan lang, 'ga." agad naman niyang sagot.
"Siguro lagi mo 'tong pinapakita sa fans niyo noh?" tanong ko tsaka tumingin sa mukha niya.
Diba ganon naman kadalasan? Yung ibang mga artista, porket may abs, hubad na ng hubad tas laging fineflex yung abs. Naiintindihan ko na proud sila sa katawan nila pero ewan ko ba, nauumay lang ako roon.
"Hindi, ah. Minsan lang." Felip answered me again.
Napatango nalang ako. Alam ko namang nagsasabi siya ng totoo.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...