KEN's POV
"So, siya yung tinutukoy mo sa kwento mo sakin dati?"
Pagkasakay na pagkasakay namin ni Stell sa kotse niya ay iyon agad ang itinanong niya. Sinundo na niya ako sa condo dahil late na naman ako.
And he's talking about Kylie...
"Oo," ani ko. "Okay na kami. Napatawad na niya ako." sabi ko.
Noon kasi nung bagong dating palang ako rito sa Manila habang nagttraining kami, sakaniya ako madalas magkwento dahil dinadaldal niya rin ako. That's why we got close, we turned into bestpals.
"So, does that mean na nagkabalikan kayo? Tapos ngayon, live in?" tanong ulit niya habang nagddrive na siya. "My god, Ken. 'Wag kang papahuli." aniya tsaka bahagyang ngumisi.
"Hindi," ani ko. "Hindi pa kami nagkakabalikan. And it's a long story kung bakit magkasama kami ngayon at nakatira sila ng kapatid niya rito sa akin. Mahabang kwento, Stell, hindi maganda." sabi ko nalang.
"Pero hindi malabong magkabalikan din kayo agad. Look at you two, you're living together in one roof. And I bet, siya yung dahilan kung bakit nag-extend ka ng stay mo sa probinsiya niyo, noh?" sambit niya.
I nodded in agreement, "She is," I uttered. "Pero magkabalikan man agad o hindi, okay lang sakin." sabi ko ulit. "Hindi naman 'yon yung rason kung bakit isinama ko siya, sila rito. I really wanted to help her. Ayokong nahihirapan siya roon. Ky went through a lot, Stell, kung alam mo lang..." pahayag ko.
Hindi ako magsasawang ipaliwanag sa mga taong makakaalam kung anong rason ko. Wala namang masama roon. Nakakatulong pa nga ako.
Helping Kylie and making sure that she's fine is what makes me happy right now.
"In love era ka na, men." Stell teased.
"Matagal na," ani ko tsaka bahagyang ngumisi.
I'm just telling the truth. After all, I've never fallen out of love. Hindi ko naman tinigilang mahalin si Kylie kahit na lumayo ako at umalis. Palagi siyang nasa puso at isipan ko.
Pagdating namin sa studio, talagang ako nga ang kulang nalang sa aming lima. Napasarap kasi talaga tulog ko pagkatapos naming mag-usap at magkwentuhan kagabi ni Kylie.
Plano kong isama sina Kylie sa susunod kapag may event kami. Para naman makita niya akong nagpeperform, at para rin hindi lang sila nakakulong doon magkapatid sa condo.
"Si Kuro hindi mo dinala?" maya-maya ay lumapit sa akin si Justin.
Umiling ako bago uminom ng tubig.
"Iniwan mong mag-isa sa condo mo?!" aniya.
Umiling ulit ako. Nilapag ko sa table yung tumbler bago ako nagsalita.
"Hindi, may kasama siya roon. Ano ako, sira? Iiwan siya mag-isa sa condo." sambit ko.
"Oh, sinong kasama?" pagtatanong niya ulit.
"Secret." saad ko tsaka nakakaloko siyang tinignan.
I also plan to introduce Kylie to them personally kapag may oras o kapag may pagkakataon na magkakasama kami. Wala namang rason para itago ko sa kanila si Kylie.
It was just another normal day for us in the studio. Usually, late na talaga akong umuuwi kapag umaalis ako. Pero hindi na kailangan ngayon, may kasama naman na ako sa condo. Kaya naman pagkatapos ng mga ginawa namin sa studio ay diretso na akong umuwi sa condo.
Medyo napaaga pa nga ako dahil pag-uwi ko ay naghahanda palang ng hapunan si Kylie. She smiled a bit when she saw me arrived.
Binati ko na muna siya bago ko nilapitan si Kuro at si Julie.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...