"Hi, excuse me. Padaan..."
Agad akong napaayos ng tayo at gumilid nang marealize kong nakaharang pala ako sa daanan. Nandito kasi ako nakatayo sa pintuan ng studio nina Felip.
I was holding my phone dahil nagtetext ako roon sa luma kong cellphone, yung ginagamit na ngayon ni Julie. Lunch na kasi kaya sinabihan ko lang na kumain na siya roon, may pagkain naman kami laging iniiwan sakaniya.
"Sorry, sige pasok ka na." sabi ko sa babaeng papasok sa loob.
Pamilyar na ang mukha niya sa akin dahil ilang beses ko na siyang nakitang pumupunta rito sa studio ng SB19. Iyon nga lang ay hindi pa kami pormal na nagkakakilala dahil agad din siyang umaalis. Si Justin ang pinupunta niya rito eh.
I sighed a little when I still got no reply from Julie. May load naman yung phone na gamit niya. Baka naglalaro lang na naman yung ng games doon at di na naman pinansin ang message ko.
Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin. Tinignan ko yung taong iyon at nakita ko si Felip na tinitignan ang cellphone na hawak ko.
"Sinong katext mo?" mahina niyang tanong.
"Si Julie. Sino pa ba? Niremind ko lang na kumain na siya roon." sabi ko at ibinaba na ang cellphone.
"Ahh, akala ko kung sino na eh." sabi niya.
"Bakit?" kunot noo na tanong ko sakaniya.
"Wala. Akala ko kasi yung kaibigan mo na naman doon sa atin." saad niya.
"Si Ronnie?" ani ko. "Ano namang masama roon? Nangangamusta lang naman siya kapag nagmemessage siya sa akin." paliwanag ko.
"Nangangamusta nga. Pero hindi ko gusto yung itinatawag niya sa'yo." seryoso niyang saad.
I clicked my tounge before letting out a smirk. Pasimple kong hinila ang shirt na suot niya dahilan para masyado siyang mapalapit din sa akin.
"Nagseselos ka noh?" nakangisi kong tanong.
"Malamang, Kylie." sabi niya.
My smirk faded and it turned into a frown.
Kylie, huh. Hindi na ako masyadong sanay kapag buong pangalan ko ang tinatawag niya sa akin. I'm used to him calling me in our endearment or by my nickname.
"I'm sorry. Pagsasabihan ko na lang siya." sabi ko nalang.
I'll just talk to Ronnie about that matter. Para wala ring misunderstanding sa pagitan namin ni Felip. Ayaw ko rin naman kasing ganon na may hindi kami pinagkakaunawaan.
"Kung pagod ka o kailangan mo ng pahinga, okay lang. Kahit doon nalang tayo sa condo magstay. Okay lang sa akin."
Tahimik lang akong naupo dito sa couch. Justin and the girl is talking. Naririnig ko sila dahil malapit lang naman sila sa akin.
"Hindi, tutuloy tayo. Ito na yung pambawi ko sa'yo kasi hindi tayo natuloy last time." rinig ko namang sambit ni Jah.
May pupuntahan ata silang dalawa. Kita ko ring inaayos na ni Justin yung mga gamit niya.
Nandito pa sa loob ng studio sina Pablo, Stell, si Justin at yung babae, at ako. Si Felip nasa CR, si Josh naman kanina pang umalis dahil mukhang may pupuntahan.
Napatingin ako sa babae nang umupo ito sa tabi ko dahil may space pa naman 'tong couch. Lumingon siya sa akin at ngumiti.
"Hi," bati niya sa akin.
Ngumiti ako sakaniya pabalik bago bumati. "Hi," sabi ko rin.
"Ikaw yung PA ni Ken, diba? Ano nga pangalan mo?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...