CHAPTER 5

704 25 7
                                    

Pagkatapos kong maligo, magbihis, at makapag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Wala si Felip sa sala pero narinig ko naman ang boses niya sa labas kaya pumunta ako roon.

"Hindi pa, mauna na kayo. Magsstay ako rito ng ilang araw."

Napatigil ako at pinakinggan muna siya. Mukhang may kausap sa cellphone niya. Nakatalikod siya mula sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Hindi niya rin kaagad naramdaman ang presensya ko kaya hindi pa siya lumilingon man lang.

Bumuntong hininga si Felip bago napakamot sa batok.

"Alam naman nila. Nakapag-usap-usap naman kami na sasaglit muna ako rito. Then next week, pag may schedule na ulit kami, babalik na ako." sabi niya.

Tahimik lang akong nakikinig sa sinabi niya.

I stared at his figure right here in front of me.

Felip's physical feauture have changed a bit. Mas tumikas siya, pero yung angas ng dating niya kahit tumayo lang siya sa harap mo, nandoon pa rin. It still remained. Mukhang hindi 'yon maaalis sakaniya dahil natural na iyon.

Nang matapos sila mag-usap ng kausap niya ay agad na rin akong nagsalita.

"Mukhang kailangan ka ng mga kasama mo, ah. Bakit ayaw mo pang sumama?" sambit ko.

Agad naman siyang napalingon sa akin at bahagyang nagulat pa sa biglaang pagsasalita ko.

"G-Ga— I mean, Ky..." he uttered.

Bahagya ko lang siyang tinaasan ng kilay kaya naman nagsalita na ulit siya.

"Alam naman ng mga kagrupo ko na sasaglit pa ako rito sa atin. Ayos lang naman sakanila. Tinanong lang ako ng manager namin kasi aalis na nila ngayon. Chinecheck lang ako, naninigurado." paliwanag niya.

Tinignan ko lang siya at pinapasok na ulit siya sa loob ng bahay.

Baka kasi may kapitbahay na mag-marites at makitang nandito siya. Ayoko namang maging usapan dito sa amin.

"Bakit gusto mong magstay pa rito? Diba mas maganda naman na buhay mo roon?" tanong ko.

Hindi ko lang kasi maintindihan. He left this place, this town, for everything he have in Manila now. Tapos ngayon biglang ayaw niya muna umalis at nagpaiwan pa siya sa mga kasamahan niya.

Para saan ba?

"Ky, hindi mo ba talaga nakikita at naiintindihan?" tanong niya pabalik sa akin. "Nandito kayo. Nandito yung pamilya ko. Nandito ka. And to tell you again, gusto kong makipag-ayos sa'yo." sabi niya.

"Makipag-ayos?" saad ko. "Para saan? Para mawala yung guilt mo sa ginawa mong pang-iiwan bigla noon?" mahina kong tanong habang nakatitig sakaniya nang mariin.

Napakagat siya sa ibabang labi niya tsaka napailing-iling habang bahagyang nakayuko na.

"Hindi..." aniya. "Hindi 'yan, Ky." saad niya tsaka muling tumingin sakin. "Gusto kong makipag-ayos kasi gusto kong bumalik tayo sa dati. Gusto kong bumalik tayo sa dating tayo. Yung simple lang, yung nakikita kitang masaya sa tuwing magkasama tayong dalawa... I want us to go back to how we used to be... Kasi mahal pa rin kita eh... Mahal na mahal kita, Kylie."

Hindi ko inaasahang marinig ang mga iyon mula sakaniya kaya natulala nalang ako sakaniya at hindi nakapagsalita.

Sinasabi niyang mahal pa niya ako at gusto niyang bumalik kami sa dati... Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos ng ilang taong paghihiwalay at walang koneksiyon namin, basta-basta niya nalang na sasabihin iyon?

"How do you expect me to believe that?" I asked him. "Felip, naririnig mo ba sarili mo? Apat na taon na, oh." ani ko. "Ikaw mismo ang pumutol sa koneksiyon natin. Ikaw mismo ang umalis at nang-iwan. Tapos ngayon babalik ka at sasabihin mong mahal mo pa rin ako? 'Wag mo naman akong ginagago, oh." sabi ko sakaniya.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon