CHAPTER 49

588 22 2
                                    

"Ate, n-nasaan si Papa?"

As soon as we arrived, iyon agad ang tanong ni Julie sa akin.

Hanggang ngayon, parang di pa rin nagsisink-in sa akin na nandito ulit kami, na bumalik na kami pagkatapos naming umalis two years ago.

"Nasa labas iyon, namamasada. Diba ang kwento ni Tita, nagtatricycle na raw siya." sabi ko nalang kay Julie.

Inilapag ko na muna sa upuan yung dali naming gamit. Inilibot ko ang tingin ko rito sa bahay. It still haven't change. It still feels empty, for me. Hindi dahil wala kami masyadong gamit but it feels empty for me because I don't feel the presence of home.

Sinadya kong wag ipaalam kay Papa na pumayag akong bumalik kami ni Julie, na ngayon ang dating namin. Madatnan na kung anong madatnan dahil hindi ko na ipinaalam ang pagdating namin.

"Magpahinga ka na muna, Jo. Mamaya pa naman ata 'yon si Papa." sabi ko sa kapatid ko.

Sabay kaming pumasok sa dating kwarto namin. Ganon pa rin ang itsura. Pero maayos ang mga ilang gamit na naiwan namin at malinis din ang paligid. Akala ko kabaliktaran ang maaabutan namin eh. Mabuti naman at maayos dito.

Wala na yung electric fan dito kaya lumabas na ako ng kwarto dahil medyo mainit. Hinayaan ko nalang si Julie roon na magpahinga sandali.

Pumunta ako sa may kusina at sa may kainan. I checked the area and saw that everything's in place. Hindi masyadong makalat. Naupo nalang muna ako sa upuan sa tapat ng lamesa tsaka tumingin ulit sa paligid.

It's really quiet, really feels empty...

Naalala ko si Felip kaya agad ko siyang tinawagan. Good thing he immediately picked up.

"Nakarating na kami. Dito na kami sa bahay." I informed him.

"That's good. Nandyan Papa mo? Nagkita na kayo?" he asked.

"Hindi eh, namamasada raw siya diba. Pero maya-maya baka dumating na rin siya." sabi ko.

Felip hummed. Sandali kaming natahimik bago siya nagsalita ulit. "Kamusta?" he asked.

I got confused.

"Kamusta? Magkasama lang din tayo kanina, maka-kamusta ka naman diyan..." saad ko. Well, parang pang-asar lang 'yon, though I really appreciate that, yung isang salitang iyon.

"Ga, I know. What I just mean is, kamusta yung pagbabalik niyo diyan na magkapatid? May naramdaman ka bang iba na hindi ganon kaganda? You know, sudden flashbacks..." he cleared and explained.

I sighed a bit and fixed my seat.

"Sa totoo lang, wala." sabi ko. "O wala pa..." dagdag ko. Kasi wala naman kaming taong nadatnan dito kanina pagkarating na pagkarating namin ni Julie. Pero baka mamaya kapag nandito na si Papa... Ah basta, ewan ko, bahala na. "Pero 'wag ka mag-alala, okay lang ako, 'ga." maya-maya'y sabi ko kay Felip.

"Okay, okay. Basta if may maging problema man o kailangan mo ng makakausap, tawagan mo lang ako. I won't put my phone on airplaine mode or DND."

"Aba, dapat lang." sabi ko sa kaniya. Naging ugali na rin kasi niya minsan na bigla nalang mag-e-airplane mode o kaya do not disturb kapag biglang may tumatawag sa kaniya. Kahit nga mismo kagrupo niya minsan, ginaganon, kaya pinagsasabihan ko siya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Hindi na ako nagsalita at pinakinggan lang siya.

Hayst, bakit parang miss ko na agad siya?

"Uh, sige na, 'ga. Magpahinga ka muna kaya? Papakainin ko lang din si Kuro, kinuha ko na rin kanina eh," aniya. "Magmemessage nalang ako or tawag din... I love you. Mamimiss kita."

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon