Mabuti nalang pag-uwi ko kanina ay wala rito si Papa. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sakaniya.
Ano nalang kaya ang sasabihin niya? Alam kong wala lang sakaniya 'tong pagkatanggal ko sa trabaho dahil wala naman siyang pakialam pero ibahin niya ako. Hindi 'to wala lang sa akin.
Stressed na stressed ako kanina pa pag-alis ko sa store. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. Grabeng pagtitipid na naman ang gagawin ko ngayon para sa amin.
Bukod sa makukuha kong sweldo sa Biyernes, kahit papaano ay may ipon naman akong nakatago pero alam kong hindi iyon sa apat para sa isang buwan namin dito sa bahay. Sa pagkain, kuryente at tubig, kay Julie...
"Ate? Ano pong ginagawa niyo rito? Maaga ka pong pinauwi?"
Hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala at nakauwi na rin si Julie galing sa eskwelahan.
"Ha? Ano, oo." ani ko. "Sige na, bihis ka na. Mamaya nandito na yung kuya Felip mo." pag-iiba ko ng usapan.
Isa pa 'yon. Nandito pa nga pala si Felip. How can I tell him? Malamang magtatanong 'yon kung bakit nandito ako ngayon imbis na nasa grocery store nagtatrabaho.
Bahala na nga...
Nagulat ako nang may maring akong kumatok sa pinto. Sunod naman ay narinig ko ang boses ni Felip na tinatawag na ang pangalan ni Julie kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinagbuksan siya ng pinto.
"Ky? Napaaga ka ata," ani Felip nang ako ang bumungad sakaniya.
Nagpilit lang ako ng ngiti tsaka siya pinatuloy na muna sa loob ng bahay.
"Sandali lang, ah. Hintayin nalang natin si Jo. Nagbibihis pa siya, kakarating lang niya galing school." sabi ko sakaniya
Tumango lang si Felip bago tumitig sakin kaya napaiwas naman ako at napalunok.
Alam ko kung anong nasa isip niya ngayon. Alam kong takang-taka siya kung bakit nandito ako ngayon sa bahay.
Nagulat ako nang dinampi niya ang palad niya sa noo ko at sa may leeg ko kaya kunot noo akong napatingin sakaniya.
"Bakit?" gulat kong tanong.
Umiling siya bago sumagot. "Wala. I just thought na baka sumama ulit ang pakiramdam mo at nilagnat ka na naman kaya umuwi ka agad from work." sabi niya.
Natahimik naman ako.
Sana nga ganon lang, pero hindi eh. Natanggal ba naman sa trabaho...
Bumuntong hininga nalang ako bago umiling.
I just avoided my gaze at him dahil ramdam kong gusto niya akong kausapin tungkol sa kung ano mang bumabagabag sa akin. Mabuti nalang at lumabas na rin si Julie nang nakaayos na kaya naman agad na kami nitong inaya na lumabas na.
Julie was holding my hand habang nasa gitna namin siya ni Felip naglalakad. Hindi ako nagsasalita at hinahayaan nalang siyang daldalin ang kuya Felip niya. Alam kong namiss niya rin 'to.
Pumunta kami sa malapit lang na mall para gumala gala. Susulitin ko na 'to dahil hindi ko alam kung kailan ko pa ulit maigagala 'to si Julie lalo na ngayong wala na akong trabaho.
"Ay, ate, kuya Felip," nagbaba ako ng tingin kay Julie nang tawagin ako nito. "Naperfect ko po yung test namin kanina! Ako lang po yung nakaperfect sa mga kaklase ko." pagmamalaki niya.
Somehow, I smiled proudly at her. Knowing that she's doing very well in school. Kampante ako roon.
"Good job." sabi ko tsaka hinaplos ang buhok niya. "Dahil diyan, may reward ka. Jollibee, gusto mo?" sambit ko sakaniya.
BINABASA MO ANG
The Idol's Lover
FanfictionThe Idol's Lover || SB19 Series #5 Two past lovers that got separated with each other. Felip, also known as Ken of SB19, is living his life as a member of an idol group in the country. After being away for years from his hometown due to his career...