CHAPTER 45

674 22 3
                                    

"Proud na proud ako sa'yo..." isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Julie nang matapos na ang graduation ceremony nila.

Kanina, agad niyang pinakita sakin yung certificates niya. Sobrang saya talaga ang nararamdaman ko ngayon.

"Congrats, Jo. Ang galing mo talaga." sabi ko kay Julie pakatapos naming yakapin ang isa't isa.

Lumapit naman kaagad si Tita tsaka niyakap din si Jo. Just like me, she also congratulated her for doing her best in school.

Tumunog ang phone ko sa kamay ko kaya napatingin ako roon. Nagtext si Felip na nasa labas na raw siya kaya agad akong napangiti tsaka bumaling kina Tita at Julie.

"Jo, Tita, tara na po. Nasa labas na si Felip naghihintay."  sabi ko sa kanila. "Tita, sumama ka na po samin para makapag-celebrate rin po tayo kahit papano." sabi ko naman kay Tita. Nginitian niya lang ako tsaka tumango.

Lumabas na kami ng graduation venue. Pumunta kami sa kung saan kami ibinaba kanina ni Felip. Hinatid niya rin kasi kami kanina rito.

"Hi," agad kong bati sa boyfriend ko pakasakay ko sa shotgun seat. Nasa likod naman si Julie at Tita.

"Saya natin ngayon, ah. Jo, congrats." bumaling si Felip sa likod at binati ang kapatid ko.

"Thank you, kuya."

Umalis na rin kaagad kami.

Tinanong ko si Julie kung gusto niya bang kumain kami sa labas pagkatapos ng graduation niya pero mas pinili niyag sa condo nalang kami. At since hindi rin naman gaanong busy si Felip ngayong araw, siya na ang inutusan kong bumili ng cake para kay Julie at ng iba pang pagkain para sa munting salo-salo namin. And he did, pero hindi kalahati lang yung kinuha ni Felip sa akin nung binigay ko sa kaniya yung pera. Ang sabi niya siya na raw bahala sa iba para kay Jo. Hindi nalang ako umangal pa.

"Eto pa yung cupcakes oh... Tita, pinick-up ko na po sa bahay niyo,"

Napatingin ako kay Felip nang ilagay niya sa lamesa yung isang box tsaka iyon binuksan. Nakita ko roon yung mga cupcakes na sabi niya ay galing kay Tita.

Napangiti nalang ako.

I looked at Julie and she's so happy with it. She's happy with what we have right now for her. Pinasalamatan niya pa kami ulit na sinuklian ko nalang ng isang ngiti.

I felt a sudden fulfillment right now, as her big sister that stood up as her mother already. Kawalan na 'to para sa nanay niya na iniwan siya sa amin. Hindi niya mararamdaman kung gaano ako kaproud para sa mga naaachieve ni Julie.

"Nakakaproud kayong magkapatid. Lalo ka na, I'm so proud of you, 'ga."

Nagulat ako nang nasa likod ko na pala si Felip. Nakatitig lang kasi ako kay Julie habang kinakausap siya ni Tita. Hinayaan ko na silang kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom.

Felip snaked his arm around my waist. Napahawak naman ako sa kamay niya na nasa may tiyan ko bago nagsalita.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa, ah." inosente kong sambit.

"Anong wala? Ang dami kaya," he said. "You raised your sister well. Naturuan mo ng mabuting asal. Ikaw nag-alaga tsaka nagpapaaral ngayon. You became her parent, her mother figure. Doon palang kahanga-hanga ka na." he explained.

"Salamat," sincere kong sambit sa kaniya.

"Kaya hindi ako nagsisising ikaw ang taong minahal ko. Swerte ko kaya. Kung nagawa mo lahat kay Julie, what more pa sa magiging anak natin sa future? I know you'll be a good mom, you'll be the best." natigilan na naman ako dahil sa sinabi niya. About that thing, ang tagal na naming magkasama pero hanggang ngayon hindi ko pa talaga nasasabi sa kaniya yung tungkol sa pagkakaroon ng anak. "I love you, Ky. Kaya excited ako para sa future natin kasi alam kong kasama kita, na nasa tabi kita." Felip said.

The Idol's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon